Isang taon matapos ang proposal sa sahig na kawayan.
Puno ng tao ang maliit na kapilya sa Lazi, Siquijor. Walang engrandeng kasal, walang mamahaling gown. Si Rosa ay nakasuot ng simpleng puting bestida na tinahi ng nanay niya, may hawak na totoong rosas. Si Gil ay nakasuot ng puting polo na hiram pa, pero malinis at plantsado.
Sa altar, habang naghihintay si Gil, nanginginig pa rin ang kamay niya tulad ng unang beses na tumawag si Rosa sa kanya sa kulungan.
At nang pumasok si Rosa, kasama ang nanay niya, wala nang nakita si Gil kundi siya lang.
"Ikinakasal ko kayo..." sabi ng pari.
Pagkatapos ng kasal, maliit na handaan lang sa bahay, biko, pansit, at softdrinks. Pero masaya. Sobra.
Gabi na, nasa tabing dagat na ulit silang dalawa, tulad ng dati. May dala si Gil na isang sobre. Lumang sobre, medyo kupas na.
"Ano yan?" tanong ni Rosa.
"Binuksan ko yung kahon ng mga liham mo nung nasa Leyte ako. May nakita akong hindi ko pa nababasa. Yung pinakaunang sulat mo, yung assignment mo sa school."
Binasa ni Gil ang unang liham ni Rosa, yung dati ay pormal lang:
"Hello, My name is Rosa, I am 19 years old from Siquijor..."
Pagkatapos basahin, may kinuha si Gil na ballpen at nagsulat sa likod ng sulat na iyon, at binigay kay Rosa.
Nakasulat: "Hello, My name is Gil, I am your husband now. I am 28 years old from Siquijor, your home. I love you forever. - Gil"
Umiyak si Rosa, tumawa, at niyakap si Gil nang mahigpit.
"Mahal, simula sa school assignment lang tayo, tapos tingnan mo tayo ngayon."
"Oo," sabi ni Gil. "Dati penpal lang kita. Ngayon, ikaw na ang buong kwento ko."
At sa ilalim ng bituin ng Siquijor, ang dating preso at ang dating tindera ng biko ay nagsimula ng kanilang tunay na kwento. Hindi na sa pamamagitan ng liham, kundi sa pamamagitan ng buhay na magkasama, araw-araw.
Ang kwento na nagsimula sa isang sobre at nagtapos sa isang pangako na habang buhay.
WAKAS.