“Uy, mga bruha na hindi na single. Since wala pa naman ang mga boyfriends niyo sa bahay, mag-stay muna kayo sa bagong dorm natin. Maayos na ito after few months of repair. Sobrang ganda na at very comfortable. Wala ng mga lalake na makukulit.” sabi sa amin ni Lumina nang matapos ang aming mga klase nang hapon na ‘yon. Nagkasalubong kaming lahat malapit sa gate. Pumayag na kaming dalawa ni Hera at sumama kami sa kanila. Namangha kami nang makarating kami sa dorm. Namnagha rin ako nang makita ang kwarto nila na mas malawak na compare sa dati. Nagkukwentuhan kami at kumakain ng snacks habang nagi-scroll ako sa aking phone. Natigilan na lang ako nang makita ang newsfeed sa aking profile. May nagaganap na malaking sunod sa isang factory at naroon ang team nila Koahl para mag-rescue at i-conta

