Asher’s POV I am in a good mood nang makarating ako sa Firehouse. Sumisipol pa ako palabas ng aking kotse at kinuha ko ang aking bag. Lumakad ako papasok roon at nadatnan ko na nadoon na ang aking mga kasama. Obvious na obvious na maganda rin ang kanilang mood at masaya silang nag-uusap. Pumunta ako sa locker room at nagbihis sa aking uniform. Nang matapos ako, nilapitan ko ang aking mga kasama. Tumigil sila sa pag-uusap at natigin silang lahat sa akin. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila. “Mukhang maganda ang mood natin, ah.” nakangiting sabi ni Inpherno at napatawa ako. “Bakit? Ako lang ba?” sagot ko at umupo ako sa bench na katabi niya. “How was your night guys?” “Well, hindi gaanong maganda dahil mukhang natatakot sa akin si Sohlar, eh. Since the three girls are not comfort

