Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Sohlar habang papaunta kami sa firehouse ngayon. Ilang araw na ang nakakalipas after ng karanasan ko sa exclusive club na ‘yon and I can’t still get over it. Papalapirt pa lang kami nakakaramdam na talaga ako ng guilt. Baka pag nakita ko si Ashler, bigla na lang akong kumaripas ng takbo! Kailan ba matatapos ang volunteer work namin? Ilang beses na akong nag-breath in and out pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit? Wala naman akong nagawang kasalanan pero feeling ko isa akong girlfriend na nag-cheat at iniiwasan ang boyfriend niya. Pero walang kami! Yon ang masakit, walang kami ni Ashler at kailangan ko ng itatak ito sa aking isipan. “”Aray naman, besh, baka mabali ang braso ko niyan sa higpit ng hawak mo.” sabi ni Sohlar sa akin. Niluwagan

