Naghiwalay na kami ni Hera nang makarating na siya sa coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Naglalakad lang kasi kami, at ako naman ay malapit na rin sa restaurant kung saan naman ako nagwo-work. Ang swerte ko nga at na-hire kaagad ako kaay ginagawa ko lahat ng best ko sa pagiging waitress ko. Hindi naman toxic ang mga kasamahan ko, para ngang sila na ang second family ko. Mababait ang m ag-asawang owners na para ko na ring magulang. Kaya naman masaya akong pumapasok sa trabaho.
Binati ko ang aking mga kasamahan, mga chef na naroon at ang mag-asawa nang pumasok ako sa backdoor ng restaurant. Agad akong tumungo sa locker room at nagbihis sa aking uniform. Nang lumabas ako, pinakain muna ako ng early dinner na masaya kong tinanggap. Magana akong kumain as usual pero laman ng isip ko ang kasunduan namin ni Koahl a week ago.
Yes, isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa naman niya ako tinatawagan. Ni hindi nga siya nagpaparamdam sa akin kaya parang ayoko ng umasa pa. May pa- one night pa itong sinasabi! If I know, baka iba-iba na ang kasama niyang babae araw-araw at sinali niya lang ako sa listahan niya dahil curious siya. Papayag pa rin ba ako? Syempre naman oo! Duh? Kahit one night lang ‘yon, okay na sa akin. At least nakasama ko siya. Tapos, iiyak na lang ako sa tabi pag natapos na, at maiinggit rin sa aking kaibigan na blooming ang lovelife.
Weekend na naman bukas at pang afternoon shift ako kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko maghapon. May kanya-kanya naman kaming trabaho. Hindi naman pwede na puntahan ko si Hera at nakakahiya kay Blayz. Ano na kaya ang ginagawa ni Koahl? Sobrang busy kaya sila? Wala naman akong nablitaan na maraming sunog dito sa lugar namin pero may nangangilangan pa rin siguro ng tulong kahit walang sunog. Gano’n ang nakikita ko sa isang TV series na pinapanood ko noon. Tambay na lang ako sa dorm at matulog na lang siguro. Parang mabilis na lumipas ang oras para sa akin. Tapos na ang shift ko at pinauna na akong pinauwi dahil madilim na rin sa daan. Matapos akong magpaala, lumabas na ako ng restaurant.
Natigilan ako nang may pamilyar na sasakyan akong nakita sa gilid ng daan. Bumukas ang isang pinto nito na katapat ng driver’s seat at lumabas roon si Koahl. Nakasuot siya ng casual clothes and the same intense face he has na hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip. Mabilis siyang lumapit sa akin at napakurap ako habang pinipigilan ko ang aking sarili na huwag siyang sunggaban.
“Anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba? Oh, wait, kakain ka ba sa restaurant. Sorry, nag-assume lang ako dahil nandito ako. You have a date?” sunod-sunod kong tanong at tumigil lang nang idiin niya ang kanyang daliri sa aking bibig.
“Stop talking for a second, little girl.” malalim ang boses niyang sabi. He was staring at me at napansin ko ang pagod sa kanyang mukha. Medyo naiinis na ako sa kanya, tinaasan ko siya ng isang kilay at pinalis ko ang kanyang kamay.
“Don’t tell me to stop talking! Mabuti pa nga at pinansin pa kita! Isang linggo kang hindi nagparamdam sa akin tapos bigla kang susulpot rito. Malay ko ba kung bakit ka nandito!” sabay irap ko sa kanya.
“Bakit ka ba naiinis? Sinabi ko naman na tatawagan kita. But I was caught up with work. Sunod-sunod ang mga emergencies na dumating. Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog. Ngayon lang ako nakauwi at dayoff ko bukas, kaya ngayon lang rin kita napuntahan. I was about to call you pero mas mabuting puntahan na lang kita.” tumingin ulit ako sa kanya.
“So, nandito ka para sa akin?” tanong ko at tumango siya. “Anong gagawin natin ngayon niyan?”
“Do you want to have dinner at my place?” tanong niya rin. Tumingin ako sa restaurant tapos ay bumalik ang mga mata ko sa kanya.
“Nakapag-early dinner na ko, eh. Pero kung may dessert ka, I will spend the night with you.” ngumisi naman siya at inabot niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ito at lumakad na kami papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat at inalalayan niya akong pumasok roon. Sumakay na rin siya at nag-drive na siya sa kanyang malaking apartment. Alam ko kung nasaan dahil stalker nga ako, hindi ba?
Nang makarating kami sa building, gamit ang kanyang sariling susi, binuksan niya ang pinto nito. Modernized naman ang gusali, nakita kong may mga cameras at merong elevator kung saan pumasok kami. Pinindot niya ang ang isang number ng floor at tahimik lang naman kami. Kinagat ko ang aking labi. Kung gaano kabilis ang oras kanina na nagtatrabaho ako, parang ang bagal naman habang nandito kami sa loob ng elevator. Bahagyua akong nagulat nang sumulpot siya sa harapan ko. Kinuha niya ang ang aking mga kamay, inatras niya ako hanggang sa sumandig ako sa metal na pader. Tinaas niya ang aking mga kamay sa aking ulo at napasinghap na lang ako nang bigla niya akong halikan.
Hindi ko man ito inaasahan, pero parang nabuhayan ako ng loob. Our lips mold perfectly and I am enjoying every second of it. His tongue swipe my lips at bumukas ito kaya pinasok niya ang kanyang dila. Nag-ikutan ang mga dila namin at nagsipsipan pa. Bigla siyang humiwalay sa akin nang marating na namin ang pamilyar na ‘ding’ ng elevator. I was panting and I know my face is flush. Nang bumukas ang pinto, mabuti na lang walang tao na naghihintay roon dahil mahahalata nila an may ginawa kami ni Koahl.
Hinawakan niya ang isa kong kamay at lumakad na kami palabas patungo sa kanyang apartment. Sa pinakataas ang kanyang apartment at nang pumasok kami sa loob, namangha ako sa lawak nito. Minimalist ang kanyang bahay na may pagka-earthy ang vibes dahil sa mga indoor plants na naka-display roon. Hindi na ako nahiya pang maglakad-lakad roon hanggang sa nakita ko ang isang side ng kanyang apartment which as an outdoor porch. May maliit na pool at nakapaligid ang mga makukulay na halaman, may outdoor chairs and table at kitang-kita ko ang magandang view. Grabe! Ang ganda rito! Masarap sigurong tumira sa bahay niya! Ilan na kaya ang babaeng dinala niya rito?
“Do you still want your dessert?” tanong niya sa akin habang nasa kusina siya.
“Anong dessert? Ikaw ba?”” mahina kong sabi at napa-giggle ako sa kilig. Kasi naman! Bigla-bigla na lang siyang nanghahalik! Nagkaroon pa kami ng parang Ana at Christian moment sa elevator.
“Emberlyn!” irita niyang tawag. Napabungisngis ulit ako at nilapitan ko siya. Bumuntong hininga siya at naglabas ng oreo ice-cream mula sa kanyang malaking ref. Kumuha siya ng cup na binigay sa akin at spoon na rin. Natuwa naman ako sa dessert na nilabas niya at kumuha na ako ng ice cream. Mahina akong napaungol nang sumubo ako ng malamig na treat. Nakatitig lang naman siya sa akin at hinayaan ko lang siya. “Is it good?”
“Yeah! Tikman mo kaya! Teka, kumain ka na ba? Ang sabi mo kakauwi mo pa lang? Nagmula ka ba sa firehouse?” tumango siya. “Must be hard working like that. Mag-iingat ka lagi, ha. Ayoko naman na may masamang mangyari sa’yo tapos halik lang ang ganap sa atin.” pabiro kong sabi. Napa-shake siya ng kanyang ulo at napatawa pa siya.
“Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa mga antics mo. But you’re cute, at buti na lang masarap kang halikan.” matamis lang naman akong ngumiti. Pinahiran ng kanyang thumb ang gilid ng aking bibig at dinilaan niya ang kanyang daliri.
“Are you just going to tease me all night?” tanong ko ulit sa kanya.
“Depend on my mood, little girl.” husky ang boses niyang sabi. Lumapit siya sa akin at kinuha ang spoon sa akin. He put it on his mouth at dinilaan niya pa ito. “Do you have class or work tomorrow?”
“Wala akong klae, pero may pasok ako sa hapon.” hinaplos niya ang aking pisngi pababa sa aking leeg. Hinimas niya ito at isang ungol ang kumawala sa aking bibig.
“Shower?” nakangisi niyang sabi. Kinagat ko ang aking labi at tumango ako. Pinaubos niya sa akin ang kinuha kong ice-cream. Hawak ang aking kamay, pumunta na kami sa kanyang kwarto.