After lunch time, nagpaalam na sa akin si Koahl at umalis papunta sa kanyang trabaho. Naiwan akong mag-isa sa bahay at tumambay na lang ako sa living room at nanood ng kahit anong movie. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko at pupunta sila rito mamaya after their classes. Napatingin ako sa buong apartment at hindi ako makapaniwala na marangyang naninirahan rito si Koahl. With his age dapat may asawa na siya o kaya naman anak. Pero hanggang nagyon wala pa rin. Naisip ko ang sinabi ni Sohlar a few weeks ago na may naging past ito na involved ang isang babae tapos ay sinaktan siya. If that’s true, hindi na ko magtataka kung bakit lagi siyang seryoso at nakasimangot. Pinatay ko ang TV at bumalik ako sa kanyang kwarto. Humiga ako roon at niyakap ko ang kanyang unan. Ngayon na titira muna ako ri

