Koahl’s POV Malakas akong napamura nang lumanding ako sa lupa matapos akong tumalon sa bintana ng isang bahay na tinutupok ng apoy. Wala na akong iba pang madaanan and it was my only option. f*ck my body is hurting so much at hindi ko alam sa ginagawa ko bang trabaho o sa isang babae na hindi mawala sa isip ko. Mabibigat ang aking mga paa na lumakad ako at sinalubong ako ni Zmoke na may nakakatuksong ngiti sa mukha. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Vice Captain, ayos ka lang?” tanong niya sa akin at malakas niya akong tinapik sa balikat. Napa-growl ako at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. “Are your knees getting weak? Sign of aging na yan.” tinanggal ko ang aking helmet at malakas akong bumuntong hininga. “Say one more word and I will break your knees.” inis kong s

