Mas nauna akong nagising kay Ino kinabukasan. When I check on him, mahina siyang humihilik at mahimbing siyang natutulog. Dahil na rin siguro ito sa ininom niyang beer kagabi at mga ginawa namin sa balcony. Napangiti ako nang maalala ‘yon at uminit ang aking mukha nang mapatingin ako sa balcony at sa couch. Tinapik ko ang magkabila kong pisngi at maingat akong bumaba sa kama. Pumunta ako sa bathroom to do my business at nagsuot ako ng aking pambahay na daster. Wala akong klase ngayon, pero may work ako mamayang hapon. Baka pwede kong samahan si Ino sa kanyang therapist mamaya. Bumaba ako at nagluto agad ako ng breakfast dahil sobrang nagugutom ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap namin kagabi. Mabuti naman at hindi niya pinilit ang kanyang sarili na magtrabaho sa field. Just

