Mahirap muling magpatuloy lalo na kung nakatingin sa amin ang lahat Ng tao. Mahirap muling magsimula lalo na dahil alam naming may palihim na umiiyak kahit di niya sabihin.
Muli nag-krus ang landas naming tatlo ako , si Pao at si Alex. Pinilit naming umiwas at sinasadyang hindi magakasalubong ang mga tingin pero sadyang di maiiwasan dahil iilan lang naman ang tao dun at talagang magkikita at magkikita kami.
Walang kibuan kasi kakaiba kasi ang pakiramdam parang may mali. Kahit di sisadyang magkasalubong parang wala lang at hindi kami magkakilala ni Alex . Siguro ayos na din ito para wala na lang gulo.
Ganoon din ang karaniwang nangyayari sa tuwing magkasalubong kami ni Alex sa pathway papasok ng school. Magngingitian pero madalas napipilitan. Magpapansinan pero para pa rin kaming di magkakilala sa isa't isa.
Inaamin ko sa mga panahon na yun alam ko at ramdam na ramdam ko na nakatingin lahat ng tao. Daig pa namin artista , biglang naging matunog ang pangalan dahil mas piniling sundin ang puso at sumaya.
Kung ano ano na din ang naririnig naming panghuhusga sa iba. Kasi daw mangloloko ako . Malandi at di pa na kuntento pero wala naman din naman kaming magagawa kasi kahit balibaliktarin ko man mali pa rin ang nagawa ng tulad ko. Maling mangloko pero mali rin namang manatili kahit na unti unti ka nang nasisira ang buong pagkatao, nababasa ang unan dahil masakit at unti unti nang napupunit ang puso kong minsang tumibok , sumuko at muling umibig sa ibang tao.
Pero isang beses nagulat ako. Diko alam ano gagawin ko.
“Hi” pagbati ni Alex.
Ang tagal ko bago sumagot dahil Hindi ko alam saan ba patungo ang pagbati ng nakaraan ko. Sa pagtatawad ba o Isa na namang walang katapusang masakitang sumabatan.
Kahit may pag-aalinlangan bahala na nga.
“Hello” tugon ko.