Ang Pangloloko

604 Words
Patuloy lang ako sa pagsuyo si Pao ng hindi ko pa nababanggit ang tungkol sa amin ni Alex. Natatakot kasi talaga ko nag-ooverthink baka kapag nalaman niya yun eh layuan niya ako. Noong mga panahon pa naman na yun alam ko na na ayaw ko ng mawala siya sa buhay ko. Hanggang sa lumipas pa ang linggo matapos ko siyang simulang ligawan naisip ko na walang sikretong hindi nabubunyag darating ang araw malalaman at malalaman niya rin at ayokong sa iba rin niya malaman . Nang araw na yun nakapagdesisyon na ako. Minessage ko agad si Alex para tapusin na ang lahat dahil pagod na ako kakaintindi. “Ayoko na. Hindi na ako masaya.” Sabi ko . “Bakit sawa ka na sa akin? Saan ba ako nagkulang ? Ano bang kulang sabihin mo? “ Tugon niya. “It’s not you it’s me may hinahanap lang siguro talaga ako . Siguro I felt I am not contented at all. Wala kang maling ginawa wala ka lang talagang ginawa .” “ And maybe we are destined to met but we are not meant to be. Marami pang darating sa pag-alis ko yung mas better para sa love mo .” At doon na natapos ang convo naming dalawa pati na ang namamagitan sa amin ni Alex. Kung iisipin madami dami at matagal na rin kaming pinagsamahan pero kung hindi na talaga masaya para saan pa ang lahat. Kasalanan na ba ang magsawang umiyak at hanapin ang nawalang ngiti sa mga labi. Alam kong masasaktan si Alex at ni minsan ayokong makasakit ng kahit sino. Mabuti na rin na ginawa ko na rin yun ang magtapat ng katotohan kaysa sa isipin niya na ayos lang ang lahat at malamang nagloloko pala ako dalawang tao pa non ang posibleng masaktan ko si Alex at si Pao. Sa araw ding ito buong araw ko siyang makakasama si Pao kagaya noong mga nakaraan, pangatlong araw na kasi ng Intrams Kaya walang klase at wala din naman akong laro kaya buong araw ko lang siyang masasahan at manonood sa nga laro niya. Marami akong pagkakataon na ipagtapat na sa kanya lahat lahat simula sa umpisa. Nakakaba syempre nagtatanong na nga ako sa sarili paano ko ba ito sisimulan? Dapat ba maglaligoy ligoy muna ako o dapat direct to the point basta bahala na nga . Basta ang sigurado ko dapat hanap ako ng tamang tsempo at yung tamang pagkakataon . Siguro mas makabubuti din kung after na lang din na ito para di maka-apekto sa laro niya sakto last day ngayon pwede ko ng sabihin lahat mamaya after ng game nila. Sinundo ko siya sa dorm nila gaya ng nakaraang araw may sasabihin din dapat siya sa akin noon sabi ni Pao kaso sabi niya mamaya nalang din . Nanood lang kami noon ng ibang game mamaya pa kasing after lunch laban nila . At sa totoo lang hindi kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari sa laro hindi ko alam isasagot dahil buong game nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Pao. Hanggang sa pagdating ng lunch hindi ko nga siya nasabayan kasi may gagawin ako pero sinabi ko naman na agad sa kanya at may kasabay din naman siya noon mga barkada niya. Matapos ang lunch nagtataka ako kasi hindi niya ko minessage . Kung diko pa siya tanungin at puntahan diko malalaman kung nasaan siya. Pakiramdam ko tuloy may nagawa ba ako na mali mukhang wala naman nakangiti pa nga siya noong naghiwalay kami para sa mag-lunch. At pansin ko iniiwasan niya ako . Hindi ko alam kung bakit hanggang sabi ng kaibigan niya sa akin. “Bakit hindi mo kasi sinabi agad? Nag-intay ka pa na siya ang maka-alam? “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD