Amadeo's Point of View Pabagsak akong umupo sa sofa habang sapo ang ulo ko. Medyo natamaan ako sa alak na ininom namin kanina. But I am not drunk, just a little tipsy. Huminga ako nang malalim saka tumingala sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga narinig ko kanina. I didn’t mean to doubt my wife, but I just couldn’t shake the possibility na baka mayroon na siyang nakakausap na ibang lalaki bukod sa akin. Lately, wala na akong ibang ipinaparamdam sa kanya kundi puro inis, pagkadismaya, at tampo. Hindi ko mapigilang mapaisip na baka nagsisisi na siyang pinakasalan niya ako. I can’t give her what she really wants and needs. I feel like I have been constantly failing her. “Boss...” Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Manang Pasita. Kakababa niya pa lang sa hagda

