Adelina's Point of View "Bakit nandito na naman siya?" tanong ko kay Amadeo nang makita ko si Leona na bumaba kasunod niya. "Don't tell me nandito na naman siya para may kuning documents?" may inis na dagdag ko. Hindi talaga ako komportable sa babaeng 'to. I have tried to ignore that feeling, pero hindi ko kaya. May kung ano sa loob ko na nagsasabing huwag magpakampante; na para bang binabantaan ako ng sistema ko. “Yes. We’re compiling all the necessary documents,” sagot ni Amadeo na tila hindi napansin ang reaksyon ko sa sekretarya niya. “But she won’t be here for too long. Uuwi rin siya agad pagkakuha niya ng documents.” “Hindi ba pwedeng ikaw ang magdala bukas, Da?” kunot-noong tanong ko. “Anong pagkakaiba no’n kung bukas mo dadalhin?” “Adi, did you forget? It’s Saturday tomorrow.

