Amadeo's Point of View "What?" Iyon ang unang salitang lumabas sa aking bibig pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi ng aking ama. "Hindi mo ba ako narinig?" His eyes narrowed at me. Kay talim ng tingin niya, pero hindi ko na 'yon pinansin. "You want me to become the next godfather?" ulit ko sa sinabi niya. I have to make sure that I heard it right. Ngumisi siya sa akin at humithit sa kanyang sigarilyo. "Yes. Hindi ba gusto mong makabawi? Be the godfather." "Father!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. It's just so absurd. Kaka-announce niya lang ng mga pangalan na pagpipilian bilang susunod na godfather, yet he's offering me to become one. "Stop toying with me." "Do you really think I have the time for that, Amadeo?" matigas niyang tanong sa akin. Seryoso siyang tumingin sa

