Adelina's Point of View "I'll be home, Adi. I promise you that." Tumingin ako kay Amadeo matapos niya akong halikan sa noo. Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil malakas ang kutob ko na hindi niya susundin ang sinabi niya, lalo na't alam kong importanteng operasyon ang pupuntahan nila dahil isinama niya sina Pablo at Raven. "Alam mong anytime pwede akong manganak, Dada. Dapat andito ka sa tabi ko," may pagtatampo kong sabi saka ko hinimas ang aking tiyan. "Paano kapag nanganak ako na wala ka?" "It won't happen, Adi. I promise," aniya saka hinawakan ang kamay ko at marahang pinisil. "I'll be back tomorrow." "Paano kung manganak ako ngayon?" "Hindi pa naman masakit ang tiyan mo, 'di ba?" tanong niya sa akin at marahang hinawakan ang aking tiyan. "Baby, behave ka muna, okay? Daddy's go

