Habang busy sila inaayusan ako ay nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! May lingerie photoshoot kasi ako tonight.
"Kanina ka pa pinagpapawisan? May problema ba?" natauhan ako sa boses ni Tonet, ang aking make-up artist.
"Kinakabahan ako, kanina pa. I don't know what the reason." Mahina kong sabi sa kanya.
"Lea, abutan mo ng tubig si Gissele." Utos niya sa isang kasama niya. Agad namang kumuha yung inutusan niya.
"Relax lang. Ano ba iniisip mo?" tanong niya habang kinikilayan ako.
"Wala naman pero yung kaba ko iba. I don't have problems." Agad na sagot ko.
Inabutan nila ako ng tubig kaya ininom ko agad. Pagkatapos ko inumin medyo nabawasan iyong kaba ko.
"3 minutes, get ready!" sabi ng production kaya naman minadali ni Tonet ang ginagawa niya.
Nakasuot na ako ng lingerie at may pinasuot na bathrobe para hindi ako malamigan while were preparing. Onti lang kaming nandito dahil ala syete na ng gabi. Sobrang busy kasi kaya ngayon lang namin isho-shoot 'ito.
Medyo awkward pa kasi yung photographer is yung kumukuha ng number ko nung nakaraan tapos hindi ko binigay. Ang buong pangalan niya ay Ken Fernandez. Iyon kasi sinabi niya sa amin nung nagpakilala siya.
I slowly remove my bathrobe at syempre sanay na ako na ganito. Kaya yung mga production sanay na sanay na sa akin.
Hindi na ako tinuturuan mag posing dahil alam ko naman na. Ang posing ko tonight is nakahiga at upo sa kama. Paghiga ko nga bigla akong inantok dahil wala pa akong maayos na tulog. Simula noong pumasok na ako deritso na ulit ang trabaho. Tawag diyan at tawag dito ang mga kumukuha sa akin.
Muntik pa lumuwa ang boobs ko sa suot ko na bra at buti na lang nahawakan ko agad. Medyo maliit kasi yung bra na pinasuot sa akin.
Lumapit sa akin si Ken na kinabigla ko.
"Itaas mo yang bra mo. Medyo lumalabas." Hindi na ako umimik at itinaas na naman ang bra na suot ko. Conservative ba siya?
"I count and continue posing." Tumango ako sa sinabi niya kaya agad na siyang nagbilang.
Napansin ko pa na inaantok na ang mga kasama namin pati si Tonet. Ilang minutes lang 'to tapos na.
"Good! Tuwad ka ng onti para makita ang lingerie mo." Sinunod ko agad ang sinabi niya.
Kailangan kasi sundin sila para maganda ang kinakalabasan ng mga pictures.
Pagkatapos ay nagbihis na agad ako.
"Need talaga may tuwad pose?" sabi ni Tonet sa akin. It's not big deal to me because its a part of my job.
"Ano ka ba, Tonet. That's okay to me." Sabi ko at nginitian ko siya.
"Hays! Okay. Sabi mo 'yan." Nagpilit ngumiti si Tonet.
Nag ready na ako para makauwi na. Pansin ko na ang sama ng tingin ni Tonet kay Ken. Kaya naman linapitan ko agad si Tonet para pagsabihan.
"Ayusin mo nga tingin mo kay Ken. Baka mapansin ka niya." Mahina kong sabi.
"Sa lahat ng photographers mo siya lang ganun." Kahit bakla si Tonet ay over protective siya sa akin.
"Baka ganun talaga siya. Hayaan na natin." Tumango siya at inayos na rin ang mga gamit niya sa pag-aayos sa akin.
Nagpaalam na ako para makauwi na. Mag ta-taxi lang din ako dahil nakalimutan ko magpa-gas kahapon kaya hindi ko ginamit yung kotse ko.
Paglabas ko nakita ko si Cristano at ang mga kasama niya! Napalunok ako dahil takot ako mapalapit sa kanila. Isa silang grupo ng mafia kaya natural, nakakatakot!
Napansin ko na palapit sa akin si Cristano pero kunwari hindi ko siya nakita at umiwas ako. Bakit nandito siya at talagang hinintay niya ako?!
"Ihahatid kita." Napatingin ako sa kanya.
He's wearing a black hoddie jacket kaya hindi siya makilala ng mga taong nakasabay ko lumabas.
"No need." Agad na sabi ko.
"Gissele? Tara sabay na tayo." Aya sa akin ng photographer ko kanina na si Ken.
"Sasabay na ako sa kanya." Pagkasabi ko kay Cristano ay pinigilan niya ako.
"Sa akin kana sumabay." Napakunot ang noo ko.
"No! Kay Ken na ako sasabay. Salamat na lang." Agad na akong pumasok sa sasakyan ni Ken.
Natatakot ako sumabay sa kanila...sa kanya.
"Who's that?" tanong ni Ken nang makasakay ako.
"W-Wala. A friend." Sagot ko at hindi niya pwedi makilala kung sino 'yon.
Todo iwas talaga ako doon kay Cristano. Mahirap na.
"Ibaba mo na lang ako sa gasulinahan. Malapit lang doon yung apartment ko." Sabi ko dahil isa lang ang gasulinahan doon sa lugar ko. Ituturo ko na lang sa kanya. Ayaw ko rin magpahatid sa mismong harap ng tinitirhan ko. Hindi ko pa lubos kilala 'tong Ken na 'to.
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Nagulat na lang ako na sa ibang way kami dumaan. Parang hindi pamilyar ang daan na 'to. At this point, bumalik na naman ang kaba ko.
"Mas mabilis kasi dito. Shortcut kumbaga." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Bigla kaming huminto sa walang kailaw-ilaw at bahay na kalsada. May dumadaan pero madalang lang. Pakiramdan ko iba, parang may hindi magandang mangyayari. Ito siguro yung kaba na nararamdaman ko kanina sa shoot.
"B-Bakit tayo huminto? Tsaka walang ilaw dito sa kalsada?" Sa puntong ito sobra na akong kinakabahan.
"Dito kasi magandang gawin ang gusto ko." Umiba ang boses niya at nakangisi na siya! Tapos tinatanggal niya na ang belt at pants niya!
"Bababa na ako." Pagkasabi ko pinigilan niya ako! He starting kissing my neck! Kahit nasa passenger seat ako ay talagang lumapit siya ng sobra. Kulang na lang umibabaw siya sa akin! Pinipilit ko rin na ilayo ang katawan ko. Gusto ko na bumaba pero hawak niya ang dalawang kamay ko!
"Don't you dare..." nagulat ako sa paglabas niya ng baril niya sa tagiliran niya. Bigla akong natakot sa baril niya at napalunok.
"Tama na, Ken!" pagmamakaawa ko sa kanya pero tumatawa lang siya at nasisiyahan sa ginagawa niya sa akin.
"Gago ka! Manyakis!" sigaw ko.
Akala ko conservative siya kanina sa akin may tinatago pala itong kamanyakan! Manyakis.
Sumigaw ako at nag panic na ako! Kahit anong pigil ko sa kamay niya ay wala akong laban! Pilit niyang ipinapasok ang kamay niya sa dibdib ko at hindi pa siya nakuntento! Pinunit niya ang suot kong damit!
Naiiyak na ako sa pagpilit sa akin ni Ken sa kanyang gagawin. Bigla akong nagsisi na sana kay Cristano na lang ako sumabay! Sana hindi mangyayari sa akin 'to at sana nakauwi na ako.
Naglakas loob ako na pigain ang ari niya at nang mapiga ko namilipit siya sa sakit. Bahala na kung ano man ang mangyari sa akin kapag bumaba ako. Kaya naman inisip ko na bumaba na ako agad at sana may dumaan na sasakyan!
Sakto namang bumuhos ang ulan! Ang malas ko ngayong gabi!
Paglingon ko ay pilit niya akong hinahabol! Hingal na hingal akong tumatakbo at halos mahubad na ang damit ko. Sana ay may dumaan na sasakyan para makahingi ako ng tulong. Yung cellphone ko lowbat kaya hindi ko matawagan si Lou.
Biglang may dadaan na dalawang sasakyan na itim kaya naman gumitna na ako para makita agad nila ako. Huminto ang dalawang sasakyan at ako parang naghihina dahil wala akong tulog at kain ngayon. Halos mapaupo ako at onti na lang ay babagsak na ang katawan ko.
"Gissele! s**t!" pamilyar agad ang boses na iyon.
"What happened?!" I gulped.
"M-Muntik na akong ma-rape." Mahinang sabi ko at ang mata ko parang babagsak na.
"Who the f*ck is he?!" patuloy pa rin ako sa paglunok ng laway ko dahil parang nanunuyot ang labi ko at nilalamig na rin ako. Sobrang lakas na rin ng ulan.
"Siya ba yung kasabay mo?!" Cristano was angry at this point. Parang yung boses niya gigil na gigil.
I slowly nodded.
"F*ck him!" Pagkasabi niya ay binuhat niya ako papasok sa kotse niya.
"Milo...you know what to do." Rinig ko na sabi niya at tuluyan na akong nawalan ng malay.