Nakakailan na sila Jenica at Tonet ng iniinom at ako naman take time lang. Sila medyo lasing na dahil sobrang daldal na ni Jenica at itong si Tonet naman ay nagsisimula na mag hunting ng lalake. Tumayo na muna ako para mag CR dahil naiihi na naman ako. Ganito ako palagi sa inuman, ihi ako ng ihi. "Gissele?" napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin at laking gulat ko na si Lexus ang tumawag sa akin! He is wearing a black t-shirt at kitang kita ang mga tattoo niya sa braso niya! Hindi ko nakita ito sa shoot kasi naka long sleeve siya na puti noon. I gulped when I saw that. Ang astig lang niya. "Oh, hi! Wait a minute, I need to pee." Nakangiting sabi ko at tumango naman siya agad. Kaya naman agad na akong pumasok sa cubicle ng CR. Bakit nga ba nandito si Lexus? Ano naman agenda niya

