Chapter 09

1675 Words
Few weeks later, more than two months to be exact, Ford invited me to his birthday dinner. Magkaibigan rin pala sila ni Rex dahil nga madalas silang magkalaban sa basketball. So, he invited Rex and me. Dinner lang naman at kaunting kuwentuhan sa isang fine-dining restaurant. Ayaw daw ng girlfriend niya na mag-bar sila at mga kaibigan niya kasi marami daw babae doon, selosa daw kasi talaga si Alex. I almost rolled my eyes, buti na lang talaga napipigilan ko pagkamaldita ko sa kaniya. Isang linggo lang din makalipas ang birthday niya ay kinompronta ako ni Tina, dating kaibigan ko na boyfriend na si Paul ngayon, dahil daw nilalapitan ko pa rin si Paul hanggang ngayon. Kung alam niya lang kung ilang beses nang nagmamakaawa sa akin si Paul na balikan ko siya, baka lalo siyang magwala ngayon. It's been almost four months. I'm continuously moving on, at unti-unti na akong nawawalan ng pakialam. But the sight of my ex-best friend, defending my ex-boyfriend, is making my heart ache like it was just yesterday. Wala akong pakialam sa mga pagsubok niyang sabunot niya sa akin. Hindi ko na lang ginagantihan, I'm too classy for this catfight. But her words are the things I can never ignore, as her ex-best friend. I looked at him with bored eyes. "Ano bang sinasabi mo, ha? Ako ba ang lumalapit? Hindi ba siya? Tina, ang tatanda na natin para sa mga ganitong klaseng away kaya pwede ba tumigil ka na?" "Malandi ka talaga!" Ako pa talaga ang malandi, ha? Sasampalin na sana ako nang mabilis kong hinawakan ang kamay niya. "Ako ba talaga ang malandi, Tina? Hindi ba ikaw?" Umirap ako habang nakangisi. "Best friend kita pero nakipaglandian ka sa boyfriend ko habang kami pa? Tao ka pa ba?" Pumiglas siya sa akin, at akmang sasabunutan na ulit ako, pero inunahan ko na siyang sabunutan kasi punung-puno na ako sa mga masasakit na salitang sinasabi niya. "Aray, ano ba?!" "Magrereklamo ka, sino ba nagsimula? Takte ka, tahimik na buhay ko, ha. Tigilan niyo na ako. Wala na akong pakialam sa inyong dalawa kaya sana lubayan niyo na rin ako!" Itinulak ko na si Tina at tinalikuran siya dahil ayoko na sanang humawak sa balat ng mga taong katulad niya, nang bigla siyang sumigaw para mapatigil ako. "Tandaan mo, Cassandra! Hindi ka na mahal ni Paul, at kahit paulit-ulit ka niyang binabalikan ngayon, hindi ibig sabihin noon ay mahal ka niya! Gusto niya lang makuha sa 'yo ang bagay na hindi mo maibigay sa kanya!" Sa sobrang inis ko sa sinabi niya ay mabilis ko siyang nilingon, kasama ang mga bago niyang kaibigan, tsaka siya sinampal gamit ang kanang kamay ko. Sabi ko naman, ayoko nang dumapo ang balat ko sa balat ng mga taong katulad niya. "Ang sabi ko, tumigil ka na." mahinahon kong sabi. Ngumisi siya sa akin. "Bakit? Hindi mo matanggap? Hanggang ngayon mahal mo pa siya?" hindi kaagad ako nakahanap ng tamang salita para sagutin siya kaya naman nagsalita na ulit siya. "Tama nga ako. Sorry, ha? Ako na kasi ang mahal niya. Hindi ko sinasadya...best friend." Lalo akong nainis nang marinig ang tawa niya, na para bang gusto niyang makita akong nagkakaganito ngayon. Bakit gano'n? Parang hindi kami naging magkaibigan dati, ah? Ano bang nagawa ko sa kaniya para kamuhian niya ako? Ako ang inagawan. Ako ang niloko, pero bakit pakiramdam ko, ako ang may nagawang masama? Habang nakatingin ako sa mga lupa dahil pakiramdam ko ay sobrang baba kong tao sa harap ni Tina, nakita kong may mga yabag na papalapit sa akin, at naramdaman ko na lang na may humawak sa dalawang balikat ko. "Are you alright?" I looked up and saw him, looking so worried. I gave him a sad smile. "Hindi, e." Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Ford, ang bilis kong umiyak. Hindi ko alam kung bakit kapag siya na ang nasa harap ko, hindi ako natatakot ipakitang mahina ako, na hindi naman talaga ako matapang. Sa harap niya, ay ibinuhos ko ang lahat ng luhang naipon ko simula nang marinig ko ang lahat ng pang-iinsulto sa akin ng dati'y matalik kong kaibigan. Tinakpan ko ang mukha ko, at umiyak nang umiyak, hanggang sa naramdaman kong niyakap niya ako. "Mahal ko pa rin si Paul."pag-amin ko sa gitna ng mga hikbi ko. "I'm always tempted to accept him in my life again. Mahal ko pa rin si Paul. Bakit ganoon?" Hinagod niya ang likod ko. "It takes time to heal a wounded heart. There's no need for you to rush. I know you'll get there soon. Take time to cry and feel the pain until you're used to it, okay?" Tumango lang ako bilang tugon. I have no strength to tell him that what hurts me the most is that the person who used to calm me is not the reason for the pain in my heart, and that is Tina. She used to hug me, she used to shout at Paul whenever we are fighting. Lagi niya akong pinagtatanggol noon. Pero ibang tao na 'yung pinagtatanggol niya sa akin ngayon. Ang sakit. I just cry in Ford's arms until I said I'm already fine. He never let go of our hug until I said that I'm already calm. And that was the day that I knew, I can never lose him in my life. That's when I knew, I'll be depending my life on him, and I know I f****d up, big time. _____ We became each other's closest friends, lalo na noong magbakasiyon at ang girlfriend niya ay may pasok pa rin dahil tri-semester ito. I was the only one he's with, except sa mga lalaking blockmates niya na wala namang ibang alam gawin kung hindi mag-Dota. We went to different nearby places just by using our own bike. Ayaw raw kasi ng girlfriend niya nang gala nang gala. At ang gusto nito ay kotse or basta may sariling sasakyan. Ayaw nang nagco-commute. Ang arte, if she just knew, nakaka-enjoy kaya ang roadtrip kahit bike lang. Sa paglalayas namin na inaabot na ng gabi, nakahanap kami ng kainan. Para siyang beerhouse na may shabu shabu pero inihaw lang naman ang mga tinda. Ihaws ang pangalan ng kainang bukas 24 hours. Naging loyal customer na kami ni Ford doon, at kilalang-kilala na kami ng may-ari. Habang naggagala kami papunta sa intramuros dala ang bike namin sa ibaabaw ng kotse niya ay nabuksan ang topic tungkol sa courses namin at kung paano ko na-realize na sana hindi ako nag FinMa. "Alam mo, na-realize ko kung gaano ka-boring ang course ko compared sa course mo." I said while eating Piattos on his car's passenger seat. "Why?" "All we do was to make balance sheet, income statement, statement of cash flows, and among others. Kapag nagtrabaho na ako, nakakulong lang ako sa cubicle ko sa office, auditing the company's expenses and et cetera. Samantala ikaw, you can explore. I love your course. Sana 'yan na lang kinuha ko, baka mas maaga pa kitang nakilala." Hindi ko na rin alam kung saan ko nahuhugot ang lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng mga bagay na iyon sa kaniya. I'm definitely a straightforward person, I don't really care sa reaction ng tao sa mga sinasabi ko. But this is Ford we are talking about, and he's taken by Alexa. I couldn't deny the fact that I'm starting to develop my feelings for him but he'll never know; he'll never know. Mawawala rin naman ito when I started to entertain my admirers. Ang dami rin no'n, ah? Ang ganda ko talaga. Rinig kong tumawa siya. "Eh 'di mag-aral ka ulit." I shook my head. "I don't like. As much as possible, I wanted this study thing to get over and done with. Sawa na ako. And besides, studying again would be boring. Wala ka na, e." Oh, damn it, Cassandra. Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, may girlfriend 'yung tao. Kita ko ang pag-iling niya at paglingon sa akin habang nagdi-drive siya. "Pinakikilig mo ba ako, ha Timmy?" I stared back at him, straight into his eyes. "Bakit? Kinikilig ka ba?" Hindi ko alam kung imagination ko lang ba iyon, pero kita kong ngumiti siya, kasabay ng pag-iwas niya ng tingin sa akin at pagsagot. "Sorry, you're not Lexie." Natawa na lang ako sa sinabi niya. Hindi na lang sana ako nagsalita, 'di ba? "I know. I expected it, though." Alam ko namang walang patutunguhan itong kung anong nararamdaman ko sa kaniya, but it feels good, having feelings for someone after getting hurt from your past. Alam mo 'yon? Parang nabuhay kasi ulit ako. Before, when it was just few weeks and months after noong breakup namin ni Paul, I feel dead inside. I wanted to feel something to someone so I can move on, but my heart and my brain cannot just accept that. When these two cooperate with each other, walang laban 'yong pisikal na kagustuhan kong gustuhin ang tao. And now that it's been almost eight months since we broke up, okay na ako. I'm feeling really, really okay. He stopped pursuing me on getting back together with him, which made me sad and happy at the same time. He lived his life with my ex-best friend, Tina. Before, I feel bitter. Ang sakit, pero kapag naaalala ko na lang ngayon, baka naging tulay lang ako para sa kanilang dalawa, hindi ba? Baka kasi sila talaga 'yong para sa is't-isa. Now that I am feeling something again for someone, masakit ulit na hindi kami puwede kasi hindi naman niya ako gusto dahil may girlfriend siya. But it's better 'di ba? Kaysa wala akong nararamdaman. Alam ko namang mawawala rin 'to. Hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko paraa sa kaniya. It's just a infatuation and baka nasasanay lang ako na siya lang ang kasama ko sa lahat ng oras. Maybe if I gave time to other guys, maybe if I hang out with other guys, baka mawala. I know it will fade, I know myself too well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD