Kinabukasan ay hindi ako pinapansin ni Ford kahit na pinuntahan ko na siya sa bahay nila. Hindi ko talaga makita 'yung bagay na kinagagalit niya, sa totoo lang, kasi, parang ang pointless kung iisipin kong nagseselos siya. Maybe he's just protecting me from someone kasi nakita na niya akong masaktan ng sobra, hindi ba? "Tita, tingnan mo itong anak mo, ayaw akong pansinin," pagsusumbong ko sa Mom niya dahil ayaw talaga akong pansinin at nanonood lang ng basketball. "Wow, marunong ka nang magsumbong ha, anong akala mo, anak ka? Ako anak dito, 'no." sabi niya. Tawang-tawa ako sa naging reaksiyon niya noong magsumbong ako sa Mom niya. Talaga naman, oo. "Eh, ayaw mo akong pansinin, e. Ano ba kasing ikinagagalit mo? Kaya nga ako nag-bar kasi gusto kong mag-enjoy." "Tulad ng sinabi ko sa 'y

