The time became so fast, I never realized, paalis na pala kami ni Rex ng Davao. Ramdam na ramdam ko kung paano gawin ni Rex ang lahat, huwag lang kaming magkita ni Ford kahit na magkatabi lang naman ang hotel room namin. Sobrang dalang naming magkita. Pagkagising ko ay nakita kong nakahiga na si Rex sa tabi ko. "Good morning, babe." He greeted me. Sinubukan kong bumangon pero hinila niya ako pabalik sa pagkakahiga. "Stay here." "Gagayak na ako." He hugged me. "Stay here with me for a while. Maaga pa naman." Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako at hindi na lang pumiglas pa nang maramdaman kong muli ang kamay niya sa likod ko. "I went here for you, to also spend time with you." "Sinamahan kita sa lahat ng gusto mong puntahan. Ano pa bang gusto mo?" "You're not with me. Nasa iba

