Chapter 39

1204 Words

Hapon na nang makarating ako sa Davao. Nang makababa kami ng airport ay kinuha ko lang ang luggage ko at nagmadaling sumakay ng taxi sa labas at nagpahatid sa ospital kung saan naka-confine si Ford. Habang nasa taxi ako at nakikinig naman ng balita sa radio ang driver ay lalo akong kinilabutan, dahil ang balita sa radio ay ang pagkamatay ng aktres na si Kristen, na nakakasama ni Ford nitong nakaraang mga araw. "Ah, Kuya, namatay na 'yung artista?" tanong ko sa driver?" "Tagalog ka, Ma'am?" "Opo." "Ahh, oo, Ma'am. Nagpakamatay raw, e. Nakita sa hotel na nakabigti. Grabe, Ma'am. Iyak nga nang iyak 'yung anak ko kasi idol niya iyon. Gustong-gusto pa naman niyang makita ulit. Madalas kasi iyon sa Davao si Ma'am Kristen tapos tuwing pupunta siya dito ay lagi rin siyang pinupuntahan ng anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD