PINAGMAMASDAN lang ni Vanna ang dalawang lalaki at babae na agaw ng pansin ng lahat. Naalala ni Vanna na never niyang inaway ang dati niyang nobyo.
Inisip ni Vanna na nakikipaghiwalay ang lalaki sa babae. Iyon ang nasa isip ni Vanna ngayon. Pero, bakit siya iniwan ng dati niyang nobyo--- na hindi naman niya inaway ang dati niyang nobyo ay hiniwalayan pa rin siya nito.
Napansin ni Vanna na niyakap ng lalaki ang babae. Yumakap din pabalik ang babae dito. Matapos iyon ay kumalas na ang lalaki sa pagyakap at tumalikod na sa babae. Hindi na nakita ni Vanna ang itsura ng lalaki. Napansin niya nalang ang babae na iniwan ng lalaki na umiiyak.
Nakakaawa naman siya...
Biglang napa-iling ng ulo si Vanna sa kanyang iniisip.
Bakit ko ba tinitingnan ang mukha ng lalaki? Hindi ko naman kilala iyon. Mas nakakaawa 'yung babae dahil iniwan niya ito...
Napa-iling na naman si Vanna ng kanyang ulo sa mga naiisip niya. Ang weird niya ngayon at kung anu-ano ang napapansin niya.
"Hoy! Saan ka na naman nakatingin?" Biglang napatingin si Vanna kay Misha nang magsalita ito. Tumingin si Misha kung saan nakatingin si Vanna kanina.
"Sino tinitingnan mo?" tanong ni Misha sa kanya habang nakatingin pa rin ito sa labas.
"Ayan na, nawala na. Tumingin ka kasi," biro niya kay Misha.
Tumingin sa kanya si Misha at sinamaan siya nito ng tingin. "Sino ba 'yun? Huwag mong sabihin na nakita mo na siya dito?" Tukoy ni Misha sa ex ni Vanna. "Napaka-imposible 'yun."
Nagkibit-balikat lang si Vanna kay Misha. "Malay mo, makapunta 'yun dito--- pero sa ibang bagay."
"Ehem. Nangangamoy ampalaya na naman." Sabay ngiwi ni Misha sa kanya.
"Hindi 'no," depensa niya naman.
"Ay, teka! Sino ba iyong tinitingnan mo kanina? Baka may nakikita ka na hindi ko nakikita ha? Iba na 'yan," hirit pa ni Misha.
"Sira. May nakita kasi akong babae at lalaki na nag-aaway kanina. Well, hindi ko talaga alam kung nag-aaway ha." Hindi niya siguradong sabi kay Misha.
"Hindi ka pa sigurado sa sinabi mo ha," natatawang sabi ni Misha sa kanya.
"Umiiyak kasi 'yung babae tapos nagmamakaawa ata siya sa lalaki kaso wala. Iniwan pa rin siya ng lalaki. Nakakalungkot lang," kwento niya kay Misha.
"Wow ha. Gumawa ka pa talaga ng kwento at base lang sa conclusion mo," saad ni Misha sa kanya. "Baka naman kasi nakikipaghiwalay na 'yung lalaki?"
"Siguro nga," sang-ayon naman ni Vanna kay Misha.
"Relate ka naman dun?" natatawang wika ni Misha.
"Hindi 'no," depensa niya ulit.
Inilapit ni Misha ang mukha nito kay Vanna. "So, ano? Mamaya? Gimik tayo?" pag-iiba ni Misha ng pag-uusapan nila.
"Kasama natin sina Paul." Sabay ngisi ni Misha ng pagkalawak-lawak.
Nagkasalubong ang mga kilay ni Vanna. Nagtaka siya kung sinong Paul ito.
Paul?
"Sinong Paul?" takang tanong niya kay Misha.
Lumayo ng bahagya si Misha sa kanya at nasandal ito sandalan ng upuan. Napansin ni Vanna na tumawa ito. Nagtaka naman siya kung bakit ito tumawa. Pangalan lang naman ni Paul ang tinanong niya. Ngunit, bigla siyang napa-isip.
Hindi kaya???
"Jowa mo si Paul?" gulat na tanong ni Vanna kay Misha.
Napansin ni Vanna na naubo si Misha sa kanyang sinabi. Sinamaan siya ng tingin ni Misha. "Kaloka ka. Katrabaho natin si Paul. 'Yan! 'Yan tayo eh. Tingin-tingin din sa paligid nang malaman mo kung sino mga katrabaho natin. Tingnan mo, pati si Paul ay hindi mo kilala. Tsk. Tsk. Tsk." Sabay pa-iling-iling pa ng ulo ni Misha.
Si Vanna naman ay clueless dahil naglo-loading pa rin sa utak niya ang pangalan ni Paul.
Paul...
Paul...
Sino ba 'yun?
"Pumupunta ba ito sa pwesto natin?" una niyang tanong kay Misha.
"Hmm. Minsan," sagot naman ni Misha hanggang sa maubos na nito ang pagkain sa plato.
Nag-iisip pa rin si Vanna ngunit wala siyang maalala na may pumunta sa kanila na lalaki.
"Wala naman akong maalala. Hindi ko talaga siya kilala," sukong sabi niya kay Misha.
"Ano ka ba, huwag mo na isipin si Paul. Makikita mo naman siya mamaya--- kung sasama ka?" sabi ni Misha kay Vanna habang tinaas-baba nito ang kilay.
"Ano? Sasama ka?" ulit na tanong ni Misha sa kanya.
Hindi muna sumagot si Vanna. Nagdadalawang-isip pa siya. Parang gusto niyang sumama na hindi.
"Ang tagal mo mag-isip," naiinip na sabi ni Misha sa kanya. "Huwag ka na magdalawang-isip. Kaya nga sumama ka mamaya nang makilala mo naman sila."
Napabuntong-hininga si Vanna. Ano pa bang magagawa niya? "Oo na. Pero, sandali lang ako ha. At kailangan ko umuwi ng maaga. Alam mo naman sina mama. Baby pa rin nila ako." Sabay sumimangot siya kay Misha.
Natawa naman si Misha sa kanya. "Ikaw? Baby? Ang laki mo na kaya, Vanna. Hindi na nga gatas ang iniinom mo kundi alak," biro nito sa kanya.
"Kaunti lang naman iniinom kong alak," katwiran pa ni Vanna dito. "Pero ngayon ay hindi ako iinom."
Napatingin si Vanna sa relo niya. Naalala niya ang time ng lunch nila. Oras na pala nila na bumalik sa opisina. Mukhang napahaba ang pag-uusap nila.
"Tara na. Balik na tayo sa office," yaya ni Vanna kay Misha.
Nakita ni Vanna na tumingin din si Misha sa relo nito. "Oo nga 'no. Tara na talaga."
Kinuha na nila ang kanilang bag at umalis na ng karinderya. Naglakad sila hanggang sa makarating sila sa building nila. Pumasok na sila sa loob ng building at dumiretso na sila sa elevator. Pagbukas ng elevator ay mabilis silang sumakay.
"Sure na mamaya ha," out of the blue na sabi ni Misha sa kanya na ang tinutukoy nito ang kanilang pagpunta sa bar pagkatapos ng trabaho nila.
"Oo. Sure na," sagot naman ni Vanna dito.
'TING'
Nakarating na sila sa floor nila at nang magbukas ang pinto ng elevator ay agad na silang lumabas at dumiretso na sila sa kanilang pwesto.
Sa kanilang pagbalik ay nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Vanna. Nagpaalam siya kay Misha na pupunta lang muna siya sa comfort room. At pumunta na nga siya sa comfort room.
- Comfort Room -
Nang matapos si Vanna ay hindi muna siya lumabas ng comfort room. Naghugas muna siya sa lababo at pagkatapos ay tiningnan niya ang sarili sa salamin. Napansin niya ang eyebag niya. Napansin niya rin ang kanyang mukha na mukhang exhausted na.
Biglang naalala ni Vanna na nasa locker room ang bag niya. Gusto sana niyang mag-makeup ngunit wala siyang dala at nasa bag niya ito.
Mamaya nalang ako mag-makeup pag-uwi...
Lumabas na si Vanna ng comfort room at sa hindi inaasahan ay may nakabangga siyang lalaki. Humingi siya ng tawad dito nang hindi tumitingin dito at ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Pero napahinto siya sa paglalakad at lumingon ulit siya ngunit likod nalang ng lalaki ang nakita niya nang makalayo na ito.
Parang familiar 'yung damit nung lalaki?
Iniisip ni Vanna ng mabuti kung saan niya nakita iyon. Bigla niyang naalala kanina nang nasa karinderya sila ni Misha.
Dito rin siya nagta-trabaho?
Matapos iyon ay bumalik na si Vanna sa office at naupo na sa kanyang upuan. Ipinagpatuloy lang niya ang naiwan niyang ginawa kanina. Kaunting oras nalang ay malapit na din mag-end ng shift nila ni Misha.