TTW6

1409 Words
He likes Patricia. I know that for sure. Sa kinikilos palang ni Adrian ay alam kong may pagtingin ito. I should be happy right? Pero bakit iba ata ang sinasabi ng puso ko. I'm hurting, it hurts and it sucks. Gusto ko sanang mapigil 'tong sakit sa dibdib ko dahil hindi ko naman dapat 'to nararamdaman. Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Adrian sa'kin no'ng birthday namin. Naalala ko na naman 'yong pangaka namin sa isa't-isa, mukhang hindi na yata 'yon matutupad. Mapait akong ngumiti at napag-pasiyahang magpakita kay Patricia na nakatulala pa rin sa kusina. "Hi, pwede pa favor Pat?" tanong ko sa kanya. Mula sa pagkatulala ay nagulat ito nang makita niya ako sa harapan niya. "Sophie, andiyan ka na pala. Nandito si Adrian kanina," sagot nito at napakamot pa ito sa ulo. "Talaga ba? sayang naman," saad ko. Mas mabuti nang magbulag-bulagan ako sa nakita ko kanina. I don't want to hate Pat because of Adrian. Patricia deserves to be here at kailangan niya ng tulong. "Pwede bang ikaw nalang muna maghatid niyan kina Adrian atsaka 'wag mo na ring sabihin sa'kin galing. Okay lang ba?" "Bakit naman Sophie? Pinaghirapan mo 'to eh," sagot niya. "May pupuntahan kasi ako kaya hindi ko maihahatid sa kanila." "Ganoon ba? sige, ako nalang maghahatid," sagot nito na may ngiti sa mga labi. Bago pa pumatak ang mga luha ko ay mabilis akong umalis sa kusina at pumunta sa garahe. Inilabas ko ang bisekleta ko. Gusto ko munang mapag-isa at makapag-isip. Naguguluhan ako sa nararadaman ko. I shouldn't feel this way. Habang sakay ako ng bisekleta ay patuloy lang sa pag-agos ang mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas. Hindi na ako makatingin ng maayos sa daan dahil pag-iyak ko. Ano ba 'yan! mukhang kotang-kota na ako sa pag-iyak at mukhang nakakapagod na rin. Pagdating ko sa burol ay agad akong umupo sa upuang gawa sa kahoy. Kahit papaano ay nababawasan ang lungkot ko kapag natatanaw ko ang malawak na karagatan sa ibaba. "I knew you were here," saad ng isang boses. Agad akong napalingon at nakita ko si Adrian sa likuran ko. Hingal na hingal at pinagpapawisan. "Adrian? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Nagtatampo kasi ang best friend ko eh," sagot naman nito. "What?" "Sophie, I'm sorry," sabi ni Adrian. "Sorry kasi nagalit ako bigla sa'yo." "No, it's okay. Kasalanan ko naman," tugon ko at ngumiti. "No, I mean. Sana pinakinggan muna kita kasi alam ko naman na hindi ka basta-basta magagalit kapag walang dahilan. I failed as your best friend kaya nahihiya akong kausapin ka baka magalit ka pa sa'kin ng todo." Naglakad ito papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko. Kaya ba hindi niya ako pinapansin dahil akala nito ako 'yong galit sa kanya. Napatampal ako sa noo ko. Halos isang linggo kami hindi nag-usap dahil misunderstanding na'to? "You like her right?" diretsong tanong ko sa kanya. Kahit na parang pinipiga ang puso ko ay nakaya ko paring itanong 'yon sa kanya. Nag-angat ng paningin si Adrian at tinanaw nito ang malawak na dagat. "I think so," sagot nito. He's blushing at ang layo ng tingin nito na para bang may inaalala. I looked at him. My heart is beating slowly at kinakapos ako sa paghinga napakapit ako sa upuan ko. "That's great, I'm happy for you best friend." Sa nanginginig kong boses ay nagawa ko pang batiin siya. "Mukhang hindi na matutuloy ang promise natin ah, nakahanap ka na kasi," pabiro kong sabi sa kanya. Bigla niya naman akong pabirong sinakal. "Ano ka ba, ang layo pa no'ng 27 years old. Atsaka, do you think she'll like me back?" mahinang tanong nito atsaka binitawan na ako. Ayaw ko na sanang pag-usapan pa ang kung anong tungkol sa nararamdaman niya kay Patricia. Ayaw kong marinig dahil hindi ko nagugustuhan ang sayang nakikita ko sa mga mata niya sa tuwing si Patricia ang pinag-uusapan. Ang mga mata niya na sa'kin lang noon nakabantay at sa isang iglap parang nagbago na lahat. Anong laban ko? eh bestfriend niya lang ako, at si Pat, gusto niya. "Paano mo naman nalaman na nandito ako?" "Pagkahatid ni Pat sa'kin ng mga cookies. I knew from the start na sa'yo 'yon galing. Nakalimutan mo na ba na halos linggo-linggo kang nag-babake noon at ako ang taster mo. Kaya kabisadong-kabisado ko ang lasa." "Yeah, it was from me," I sighed. "Bat hindi ikaw ang nagbigay?" "Hindi ko lang trip, bakit ba?" pagsisinungaling ko naman. Nag-usap lang kami ni Adrian patungkol sa mga bagay-bagay at Oo bati na kami. Pero may bahagi pa rin sa puso ko ang nangingilag sa kanya. Kailangan ko na rin magpa-check up dahil alam kong halos isang linggo na sumasakit ang puso ko. Pagkauwi namin galing sa burol ay agad akong pumunta sa hospital. Wala sila mommy at daddy ngayon dahil busy silang dalawa sa pag-manage ng resto namin. Ang tanging nasa bahay lang ngayon ay si Manang Selya at Patricia. Hindi ko naman nakita si Patricia pag-uwi ko ang tanging naabutan ko lang ay Manang na nasa kusina. Hindi na ako nagpahatid sa driver namin dahil ayaw kong malaman nila mommy na nagpunta ako ng hospital at baka mag-alala pa sila. Pagkarating ko naman ay agad akong kinausap. May mga tanong lang nang kaunti at they run some test on me. Ilang oras din akong naghintay sa result at nang tawagin ako muli ay halos ikagimbal nang buo kong pagkatao. "Miss, I see your results and honestly healthy na healthy 'yong heart mo," ani ni doktora. "Po? bat po ganoon? Kung healthy po 'yong puso ko bat po sumasakit 'yon?" tanong ko. Napa-isip naman si doktora atsaka tinignan ako. "Do you perhaps have a boyfriend?" tanong nito. Boyfriend? ano namang kinalaman ng pagkakaroon ng boyfriend sa nararamdaman ko? "I don't have one Doc," sagot ko. "Special someone perhaps?" Special someone? Mayroon ba ako noon? Nakita naman ako ni doktora na parang nahihirapang mag-isip. Napailing ito atsaka nagtanong ito ulit. "Ganito, may kakilala ka ba na sa tuwing nakikita mo ay bumibilis ang takbo ng puso mo?" Lumaki naman ang mata ko sa gulat at napatingin ako sa may gilid. Paano niya nalaman 'yon? "A-hh, oo." Halos hindi ako makatingin sa mukha ni Doktora habang sinasagot ang tanong nito. "At kapag may kasama siyang iba ay hindi ka makahinga at parang pinipiga ba ang puso mo?" Doktora smiled at me and I think she knows what's exactly happening with me dahil napupunto niya lahat ng nangyayari sa'kin lately. "Yes po, paano niyo po alam 'yon? That's exactly happening to me these past few days," ani ko. Napangiti ito ng malapad sa tinuran ako at bigla nalang ito napatawa. "Gosh, I can see myself to you when I was younger. Gan'yan na gan'yan din ako ka-clueless no'n," saad nito na mas ikinagulo ng utak ko. Ano ba talagang nangyayari sa'kin? Natatakot na ako baka may nakamamatay akong sakit ayaw ko pang mamatay talaga. "Relax, hindi ka mamamatay." Nagulat pa ako dahil parang nabasa ni Doktora 'yong nasa isip ko. "You are not sick nor have a disease. You're perfectly fine, you're just in love." Halos mabingi pa ako noong sabihin niya 'yon. I am what? In love?! Paano? Bakit? "I see, you're confused right now. I don't know how to explain this but as what I have heard from you. All of those are the symptoms of being in love. Wala namang problema sa mga test mo." "In love? Kay Adrian?!" I screamed a little. I don't know how to processed this. Kailan pa? No, no, no! hindi pwede. "Doc, maybe you're mistaken. Hindi ako in-love, not with him. Not to my best friend," saad ko. "Ow, I see. That sucks. I've been there, mahirap nga naman mahalin 'yong mga best friend. It's either you fall for each other or it's a one sided love." Seriously doc? hindi nakatulong 'yong mga pinagsasabi mo. Umuwi akong lutang at hindi parin makapaniwala sa mga sinabi ni doktora. I'm in love with Add--, hirap pa akong bigkasin ang pangalan ni Adrian. Hanggang sa pagtulog ay laman parin ng isip ko ang sinabi ni doktora. "If you want to confirm your feelings with him, observe yourself every time you see him and evaluate what's really happening. Kung napapasaya ka ba niya sa mga simpleng bagay at napapatibok nito 'yong puso mo kahit tinititigan mo lang siya. And Miss I want to say Good luck, it's gonna be hard, trust me," ani ni doktora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD