TTW42

1945 Words

"Lalaki pala boss mo?" salubong na tanong ni Adrian sa akin. May hawak itong wine glass sa isang kamay. Pagpasok ko pa lang sa loob ng condo namin ay nabungaran ko na agad si Adrian na mag-isa sa sala. Madilim ang buong sala at tanging ilaw lang na nagmula sa lampshade ang liwanag ng lalaki. Hindi ko kaagad sinagot ang tanong nito. Hinubad ko muna ang suot kong coat atsaka heels bago ako naglakad papunta sa kinaroroonan nito. Sa tono pa lang ng boses nito ay alam ko ng galit na naman siya. "Nakalimutan ko," pagod kong sagot. Nakatayo lang ako sa harap nito habang ang mga mata ay nakapako sa buong katawan nito. Walang suot pang-itaas si Adrian at tanging itim na boxer shorts lang ang suot nito pambaba. Isang linggo na rin akong pumapasok bilang isang branch manager ng Avila Gourmet.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD