Simula no'ng nagkausap kami ni Adrian ay naging awkward 'yong mga bagay-bagay sa pagitan namin. Naramdaman ko na unti-unti ay nagakakalamat na ang pagkakaibigan namin. Mabuti na rin iyon dahil mas napapadali iyong paglimot ko sa nararamdaman ko sa kan'ya. Hangga't hindi ito mawawala ay lagi lang akong masasaktan. Nakakapagod din.
"Hindi pa talaga ako mapaniwalang nag-top 1 ako!" sambit ni Patricia. Nandito kasi kami ngayon sa sala at nag-memeryenda.
"You deserved it Pat, nakikita ko naman 'yong determination mo," sagot ko. Pinipilit ko talagang huwag magmukhang tunog bitter. "Well, I think I'm gonna study hard to beat you then?"
"Hoy! Ano ka ba Sophie. Syempre, ikaw pa rin talaga ang matalino sa'ting dalawa. Naka-tsamba lang talaga ako," nakangiting sambit nito.
Patricia is just too pure. Kaya kahit ang laki ng dissapointment ko sa mga nangyayari ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kan'ya. Naiisip ko pa lang lahat ng pinagdaanan niya ay lumalambot agad 'yong puso ko. She deserves this. I can't make myself hate her, she's just too innocent.
"Does that mean we're rival na?" tanong ko.
"Parang hindi naman, wala naman akong binatbat kung ikukumpara sa'yo," she replied.
"Pat, listen to me." Tinignan ko siya sa mata. "Don't let yourself suffer okay? I just want you to start over your life with us. Pamilya na tayo and trust me you're the best! Ipagpatuloy mo lang 'yan okay?"
She's a little bit teary eyed at pinapaypayan nito ang sarili na tila ba pinipigilan niyang maiyak.
"Pinapaiyak mo ako Sophie," si Patricia. "I'm so happy, kasi noon hindi ko naranasan ang mga bagay na nararanasan ko ngayon. Natatakot ako na baka isang araw magising ako at panaginip lang pala ang lahat ng ito."
"Pat, shhhh." I sighed and hold her trembling hands. "Hahayaan ba namin 'yon? Your safe with us okay?"
Yinakap niya ako atsaka nagtawanan kami bigla. Sabay kaming napalingon nang may biglang pumasok sa bahay namin at bumungad sa'ming harapan si Adrian na may dalang isang puting rosas.
"Hi!" bati nito.
"Adi!" masayang tawag ni Patricia sa kan'ya. Tumayo ito sa kinauupuan at parang kinakabahan. Hindi kasi ito mapalagay at panay siya pagpag sa damit niya na wala namang dumi.
"Napadalaw ka ata?"
"For you nga pala Patricia." Tumingin ito sa gawi ko at yumuko. He looked apologetic. Anong ibig sabihin ng titig niyang 'yan sa'kin? Hindi naman ako naghahangad ng rosas na galing sa kan'ya.
"Upo ka." Itinuro ni Pat ang kaharap naming sofa at umupo naman do'n si Adrian.
"Pat?" bulong ko.
"Ano 'yon Sophie?" sagot naman niya.
"Maiwan ko na muna kayo baka makaisturbo ako," I said.
Nataranta ito bigla at nanlaki ang mata at napakapit bigla sa bisig ko.
"Are you nervous?" tanong ko.
"Huwag mo kaming iwan please?" What can I do kung gan'yan ang pagmumukha ni Pat ngayon? Sinong makakatanggi kung may isang anghel nagmamakaawa sa'yo?
"Well then, kung hindi ako nakaka-disturbo."
"Ayaw kong maiwan kaming dalawa kasi nahihiya ako, sorry talaga Sophie," sagot pa niya.
Sinilip ko nang kaunti si Adrian at nakatingin lang siya sa'min habang nagbubulungan kami ni Patricia sa harap niya. Na-weweirduhan siguro siya sa ginagawa namin ni Patricia ngayon.
"May problema ba Pat?" si Adrian.
"No, Adi. May pinag-usapan lang kaming private matter ni Sophie." Kinindatan pa ako ni Patricia at tumango na lang ako.
"Nga pala, may buko salad kami. Kukuha ako para sa'yo." Pipigilan na sana ni Adrian si Patricia pero nakaalis na ito kaya hindi na siya nakapag-salita pa.
Hindi naman ako umiimik at panay lang ang pindot ko sa cellphone. Hindi ako tumitingin kay Adrian at hindi rin naman niya ako kinakausap. That's fine with me, this treatment? Malaki ang maitutulong nito to ease this feelings I have for him.
"Sophie?" Nagulat ako bigla nang tinawag niya ako. Halos mabitawan ko ang phone na nasa kamay ko. "Are we good?" tanong ni Adrian.
Napahimas ako sa batok ko at napaangat ng tingin sa bestfriend ko na nakakunot ang noo habang tinititigan ako.
"Stop staring me," saad ko.
"Answer my question."
"We're okay naman Adrian bakit ba?" May inis sa boses ko at hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Really?" tugon nito. Parang nang-aasar pa ang boses niya dahil sa tono ng pananalita nito.
"Yes Adrian, so stop bothering me okay?" I roll my eye at ibinalik na ulit ang atensyon sa cellphone ko at hindi na muli siya pinansin. Ang tagal naman ata ni Patricia mukhang dinosaur ata ang kinuha sa ref dahil hindi pa ito nakakabalik.
"I auditioned," biglang sabi ni Adrian. "The AU band."
"You did?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Noon kasi wala itong lakas ng loob para mag-auditioned. Masyadong lampa si Adrian noon kaya kahit maganda naman ang boses niya at marunong siya sa instruments ay hindi ito sumasali ng any related sa music.
"Yes," sagot naman niya sa tanong mo.
"That's great!" masaya kong ani. "Did Pat know?" I asked.
"Hindi pa."
What? Ako ba 'yong unang taong sinabihan niya tungkol dito?
"You're the first one to know," sagot ni Adrian.
Itinuro ko pa ang sarili ko. "Me?" di-makapaniwalang sambit ko.
"Yes, you."
"But why?" naguguluhang tanong ko.
Nagkibit-balikat si Adrian. Wala itong reaksyon sa mukha. "Bakit? Is there any problem about that? Lagi-lagi naman ikaw 'yong unang sinasabihan ko sa mga bagay-bagay" he said.
"No, there's no problem. Nagulat lang ako. Di ba dapat si Patricia ang dapat mong sabihan niyan. Alam mo na papogi points?"
"Big deal ba 'yon?" he asked.
"But of course!" Napatampal ako sa noo ko. "For us women, it's kinda special for us kung may good news man sa mg buhay niyo ay nauuna naming nalalaman. Hindi ko ma-explain, basta masarap sa pakiramdam 'yan!"
He looked at me again. But this time the intensity of his stares are overwhelming.
"Are you happy?" seryong tanong ni Adrian.
"Huh?"
"I said, masaya ka ba?"
"Bakit naman ako magiging masaya aber? Ang gulo mo!" nakakunot noo kong sagot.
"I told you first about it. Sabi mo masarap sa pakiramdam?" nalilitong ani pa nito at napakumot sa ulo.
"Tanga ka talaga!" Gusto ko na sanang kutosan si Adrian dahil masyado siyang slow para e-absorb lahat ng sinasabi ko. "Ako ba 'yong nililigawan mo? Hindi naman di ba?"
"Tsk," tanging naisagot nito.
Ang gulo rin niya kausap minsan. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo riyan sa utak niya. Halos sampung minuto nang hindi nakakabalik si Patricia at balak ko na sana siyang sundan nang makita ko na siyang naglalakad patungo rito sa sala.
"Hala sorry Adi natagalan ako" May dala-dala itong malaking baso sa kamay.
Agad naman napatayo si Adrian para salubungin si Pat at kinuha ang basong dala nito.
"Nag-frozen 'yong buko salad kaya ang tagal kong nakakuha. Ibinabad ko muna sa tubig 'yong lalagyan niya para lumambot."
"Sana tinawag mo na lang ako Pat," malambing na sagot ni Adrian.
Umupo si Patricia sa tabi ko at iwinagayway pa nito ang kamay habang umiiling. "Naku Adi! Okay lang uy ano ka ba. Bisita ka namin kaya it's normal na ako ang mag-asikaso," si Pat.
Design lang ata ako rito. Masyadong sweet silang dalawa at mukha akong bitter na uod dito sa gilid. Haler! Hindi naman agad-agad mawawala ang nararamdaman ko kay Adrian kaya magseselos talaga ako. Napaka-sadista kong tao. Nagagawa ko pang mag-stay rito habang nagliligawan silang dalawa sa harap ko. Panay lang sila sa pag-uusap at ako naman ay panay sa pag-distract sa sarili ko para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Kanina pa ako nagkukunwaring busy rito sa cellphone kahit wala naman talaga akong ginagawa. Kung hindi lang dahil kay Pat ay kanina pa ako wala rito.
Dahil sa inis ko ay napunta ako sa messenger ko sa f*******:. Nakita kong online si Jaspher at basta na lang ay bigla ko na-type ang, "I wish you were here right now." Huli na nang natauhan ako sa ginawa ko at na i-send ko na iyon. Agad naman akong nag-type ng sorry sa kan'ya at nag-explain na absent minded ako ngayon nang makita kong sineen niya ang message ko.
"Labas ka," reply ni Jaspher sa chat ko.
Biglang nag-ring ang cellphone ko at sabay napalingon sina Adrian at Patricia sa'kin. Nang makita ko sino ang caller ay agad akong sinagot ang tawag.
"Hello?" mahina kong wika.
"Hi." Nagulat ako nang makita ko si Jaspher sa may pintuan namin. Nakatayo ito at kasama niya si Manang Selya.
"Iha, kaklase mo raw," si Manang Selya.
Agad naman akong napatayo. At natahimik naman ang kaninang sina Adrian at Patricia na nag-uusap.
"Jas? What are you doing here? Paano mo nalaman ang bahay ko? sunod-sunod na tanong ko.
"Umaakyat ng ligaw. Atsaka matagal ko nang alam ang address mo ngayon lang ako nagkalakas-loob na puntahan ka," nakangiting tugon niya.
This is so awkward. At nandito pa talaga si Adrian. Ang galing naman ng timing.