Napahilot ako sa sentido ko. Parang umikot panandalian ang paningin ko sa narinig mula sa kanila. Paanong naging mag-half sisters kami kung adopted lang naman siya? "Hindi ko po kayo maintindihan," mahinang sabi ni Patricia. Parang pakiramdam ko ay masusuka ako sa sinabi nila. Hindi ko rin magawang magsalita. Hindi ko alam kung anong uunahin kung itanong at saan ako magsisimula. Half sisters? Paano nangyari 'yon? One day they came home from Cebu na dala-dala si Patricia. They said they want to adopt her at malayong kamag-anak namin siya. I remember it all. Hindi ko nakakalimutan lahat ng sinabi nila tungkol sa nakaraan ng babae kung paano siya nakaranas ng kalupitan sa kamay ng mga malayong kamag-anak nito. Tinitigan ko si dad. Hindi rin mapakali ang ekspresyon nito sa mukha. Mom is so

