Two days na akong nagmumukmok sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit. Wala akong gana mag-aral at nakakapanibago 'yon. Isa lang talaga ang dahilan nito, si Adrian!
Oo si Adrian, after what he did noong birthday namin ay hindi na mapakali ang puso ko. Sa tuwing nakikita ko siya ay kinakabahan na ako at kusa nalang tumatakbo ang mga paa ko papalayo sa kanya. I don't know what's happening to me. Kahit na iniisip ko lang siya ay panay parin sa pagtibok ang puso ko. Natatakot na ako, mukhang kailangan ko nang magpa-check up dahil hindi na normal 'tong puso ko. Kanina nga lang ay nagpunta na naman si Adrian dito sa buhay upang kulitin ako. Hindi ko siya pinagbuksan at isinirado ko ang sliding window ko in case pumasok na naman siya sa balkonahe. After we promised each other na pakakasalan namin ang isa't-isa when we reached 27 and then at the same time single kami pareho that time mula noon hindi na nawala sa isip ko ang pag-iimagine. Dalawang araw na rin akong puyat, makakita lang ako ng mga bagay-bagay na nagpapaalala sa kanya ay biglang nagpa-palpitate ang puso ko.
Two days na rin hindi umuuwi sila mommy at daddy. Tumawag sila kagabi at sinabing may konting problema lang silang inaayos at uuwi din sila ngayon. I wonder what the problem is.
"Sophie," tawag ni Manang Selya sa likod ng pinto.
Si Manang Selya 'yong matagal na naming kasambahay. Sabi pa nga ni mommy ay halos si Manang na ang nagpalaki sa'kin dahil kasisimula palang noon ng negosyo nila at naging busy sila parehos ni dad kaya si Manang 'yong laging nagbabantay sa'kin.
"Yes manang?" sagot ko naman.
"Buksan mo anak, may meryenda akong inihanda."
Tamang-tama at gutom na gutom ako dahil hindi ako bumaba kanina para mananghalian. Bumangon ako sa higaan ko at inayos ang salamin sa mata habang ang buhok ko naman ay wala na sa ayos dahil tinatamad talaga akong mag-ayos ngayon. Nakasuot lang din ako ng oversized na t-shirt na si Doraemon ang design atsaka pinarisan ko lang ng maong na dolphin short. Pagbukas ko ng pinto ay biglang lumaki ang mata ko dahil sa nakita.
"Yow Sophie."
"Aa-drian?" nauutol kong sagot. Bakit na naman siya nandito?! pinapakalma ko ang buong sistema ko dahil ang lakas na naman ng t***k ng puso ko. Mukhang aatakihin ako sa puso.
"Manang naman," angal ko kay Manang Selya dahil sinabihan ko na kasi si Manang kahapon na kapag pumunta si Adrian sabihin na hindi ako magpapa-disturbo.
"Sorry anak, masyadong makulit itong kaibigan mo." Hinaplos pa nito ang buhok ko. "Sige na iho, dalhin mo na itong meryenda ninyo ni Sophie," utos naman ni Manang kay Adrian.
Wala na akong magawa nang pumasok si Adrian sa kwarto ko at agad-agad umupo sa kama. Dali-dali ko namang inayos ang mga librong nakakalat sa sahig dahil baka isipin pa nitong lalaki na 'to na burara ako.
"Ang bango ng bedsheet mo Sophie," saad nito habang patuloy parin sa pag-amoy sa bedsheet ko.
Biglang uminit ang pisngi dahil sa pinaggagawa niya. Teka lang! hindi naman ako ganito dati bat parang nagiging mahiyain ako kapag kaharap ko si Adrian.
"Oh? Ano bang tinatayo-tayo mo diyan halika na," sabi nito sabay hatak sa'kin sa kama.
Pareho na kaming nakahiga sa kama ngayon habang ang mga isang kamay ko hawak parin nito. Gusto kong hatakin ang kamay ko pero parang may sumisigaw sa isip ko na hawakan ko siya. Namamawis na ang buo kong katawan dahil sa posisyon namin ngayon. Pareho kaming nakahiga at magkahawak ang kamay. Wala namang malisyo noon itong ginagawa namin ngayon dahil normal lang talaga sa'min itong ganitong bonding bat parang nag-iba lahat ng iniisip ko ngayon. Biglang humarap si Adrian sa'kin at tinitigan lang ang mga mata ko.
"Two day kang hindi nagpapakita sa'kin," si Adrian.
Napalunok naman ako ng laway. Kinakabahan ako baka nahalata niyang iniiwasan ko siya. Tinititigan niya pa rin ako at hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Bigla nalang akong naba-blangko.
"Busy lang," simpleng sagot ko.
"Tabachoy, magtapat ka nga sa'kin." Mukhang bistado na talaga ako.
"May boyfriend ka ba?" Halos mawindang naman ako sa tanong niya. Anong boyfriend pinagsasabi nito?
"Huh?" litong tanong ko.
"Eh kasi, hindi ka na lumalabas ng kwarto mo. Malay ko ba siguro kausap mo sa cellphone mo 'yong boyfriend mo kaya busy ka parati."
"That's crazy, hindi ba pwedeng nag-aaral lang ako at mga libro ang kinabu-busyhan ko at hindi pagbo-boyfriend?" sagot ko sa kanya. Napa-irap pa ako dahil saan niya naman napulot ang ideya na 'yon?
"Akala ko sinagot mo na si Santos," saad nito.
Ang Santos na tinutukoy niya ay si Jaspher na classmate namin simula Elementary hanggang Junior High. Totoong matagal na akong nililigawan ni Jaspher pero wala naman akong planong sagutin 'yon. Wala pa sa isip ko ang pagbo-boyfriend atsaka wala naman akong nararamdaman sa kanya.
"What? alam mo naman na wala pa sa isip ko 'yan," pairap kong sagot.
"Good, bawal ka pa talaga mag-boyfriend. Dadaan muna silang lahat sa'kin."
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang sabihin niya 'yon. Nakangiti lamang si Adrian sa'kin atsaka marahang hinahaplos ang buhok ko. This is bad, my heart is beating faster. Malala na ako, I really need to go the hospital para ma-check 'tong puso ko.
"Stop patting me, hindi ako aso." Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kanya dahil parang napapaso na ako.
"Oo na, hindi ka na aso. Si tabachoy ka kasi," pang-aasar nito sa'kin.
Kinuha ko ang unan na nasa kama ko at pinaghahampas siya. Hindi naman ito nagpatalo at nakigaya na rin sa paghampas sa'kin. Tumatawa lang kami pareho ng biglang makarinig kami ng katok galing sa pinto ko.
"Sophie anak, nandito na ang mommy at daddy mo. Pinapababa ka nila," sabi ni Manang.
Nandito na sila daddy! agad-agad akong bumaba dahil medyo na-excite ako sa pasalubong nila sa'kin. Alam kong may pasalubong sila dahil wala sila noong birthday ko. Nakasunod lang din si Adrian sa'kin. Pababa na ako ng hagdan nang may nakita akong nakatalikod na babae sa'min. Matangkad at balingkinitan ang katawan nito at maputi ang balat. Nakasuot ito ng highwaist na pantalon at may kalumaang itim na t-shirt. Sino ba 'to?
"Mom? Dad?" tawag ko sa kanila nang makababa ako.
"Sophie baby, sorry wala kami noong birthday mo." Sinalubong naman ako ni mommy ng yakap at ganoon din si daddy.
"Iho, andito ka pala," baling ni daddy kay Adrian.
"Opo Tito, nag-aaral po kasi kami ni Sophie para sa entrance exam," pagsisinungaling nito.
"Ow? That's good!" masayang ani ni daddy sa'min.
"Mom? Who is she?" tanong ko kay Mommy at itinuro ang nakatalikod na babae sa'min.
"Pat, halika," tawag ni mommy sa kanya. Humarap ang babae atsaka halos mapanganga ako sa ganda niya. Parang si Mama Mary ang pagmumukha ng babaeng ito. Ang mahabang kulot nitong buhok ay umaalon habang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin.
"Po? Ma'am Ingrid?" sagot nito. Ang ganda ng boses niya. Teka sino ba ito? bat ang ganda-ganda niya? Hindi naman siguro namin ito kasambahay di ba?
"Sophie, si Patricia. Anak siya ng malayong kamag-anak ng daddy mo sa Cebu. Her parents died at ulila na siya kaya kinupkop siya ng daddy mo."
What? kinupkop ni dad? wala ba siyang ibang kamag-anak?
"Hi Sophie, I'm Patricia. Pwede mo rin akong tawaging Pat," pagpapakilala nito sa'kin atsaka inabot ang kamay nito sa'kin para makipag-shake hands.
"Aampunin na namin siya ng mommy mo," saad naman ni Daddy na ikinagulat ko. Aampunin? like magiging kapatid ko siya legally? Naguguluhan akong tumingin sa kanilang dalawa.
"Pag-usapan nalang natin to mamaya sa hapag-kainan but for now ayusin mo muna ang mga gamit mo Pat sa itaas." Bumaling naman si daddy kay Manang atsaka nagsalita, "Manang pakihatid si Pat sa guestroom."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. This is all so sudden. Sumunod naman si Patricia kay Manang sa itaas atsaka napalingon ako kay Adrian. Parang pinana ang puso ko nang makita ko ang mga mata nito. Hindi ko alam pero ngayon ko lang nakita si Adrian na natulala sa isang babae. Bat parang unti-unti atang sumisikip ang paghinga ko at nagiging itim na rin ang paligid ng biglang...