"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Adrian sabay kurot ng tagiliran niya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang private van na nirentahan ni Adrian para dalhin kami sa resthouse nito sa Davao. Binabaybay na namin ang daan patungo sa ferry na dapat naming sakyan para makatawid sa dagat. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ni Adrian at sa akin pa talaga tumabi. Ang laki-laki ng space sa loob na kahit sampung tao ay kasya. Pumuwesto na nga ako sa pinakadulo dahil gusto kong makapag-solo sila, pero ang gunggong na Adrian ay nakiupo na rin sa likuran habang si Patricia ay nasa unahan. "What? Ano naman bang ginawa ko? litong tanong ni Adrian sa'kin. Seryoso ba siya? Nag-cool off lang silang dalawa ay mukhang nakalimutan na ata ni Adrian ang common sense niya, o sinasadya niya tala

