Chapter 1

1524 Words
"Good things take time." binasa ng babaeng ito ang quote na nasa cellphone niya at saka inilibot ang mga mata, napangiti ito nang makita ang matagal ng hindi nasilayan na mga mukha. Pinagtitinginan ito ng mga tao dahil mukhang namukhaan nila ang babaeng ito na nakashades at hila hila ang bagahe nito. May ilang nagbulungan at hawak ang kanilang sariling mga phone at kinukuhanan ng litrato ang babaeng ito. Madami ding nagtatangkang lumapit at ilan dito ay mga reporter ngunit nakapalibot sa kaniya ang mga guard na prinovide ng airport. "Jade!" sigaw ng isang babae at kumaway kaway pa may kasama itong dalawang nag-gagwapuhan na mga lalaki. "Namiss kita Jade!" sabi ng babae at yinakap siya nito na naging dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang bagahe. Yinakap rin niya ang babaeng ito. "Namiss din kita Bea, may kailangan kang ikwento sa akin." bulong niya kay Bea kaya nakatanggap naman siya ng mahinang paghila sa buhok mula dito. "Nasaan si Jackie akala ko isinama niyo?" tanong ni Jade sa tatlong ito Humawi silang tatlo at bumungad kay Jade ang isang napakacute na batang babae na nakahiga sa isang bench at komportableng natutulog. "Long time no see, Jade!" sabi ng isa pang lalaki at saka yumakap sa kaniya "Long time no see, Trick." sabi ni Jade pagkakalas nila sa yakap Bumaling naman ito sa isang lalaki na kasalukuyang buhat buhat ang batang babae na kaninang natutulog. "Kumusta, ayos ba ang pagiging single dad Chef Baek?" "Nakakastress langya." nakangiting sabi nito Matapos ng batian ay nagpunta sila sa isang pinakamalapit na restaurant upang kumain dahil gabi na rin. Kagaya sa airport ay pinagkaguluhan din ang dalaga ngunit ang kaibahan ay bilang lamang sa kamay ang mga tao dito. Habang nakaupo at naghihintay ng order ay biglang may sumigaw na isang pamilyar na boses. "Wassup kumusta mga kaigan!" Napalingon ang lahat sa isang lalaki na halata mong malakas rin ang s*x appeal na kadadating lang. "Bestfriend!" muli na naman itong sigaw at yumakap kay Jade. "I missed you, Ace!" "Sorry hindi ako nakasama sa pagsundo sa airport, nakakalabas ko lang ng kumpanya eh." sabi nito at umupo na katabi ni Jade "Ang sabihin mo kakatakas mo lang sa misis mo." sabi ni Trick kaya nagtawanan ang lahat "Kumusta kayo ni Robi?" tanong ni Jade kay Ace "Ayun knockout na, pinagod ko eh." sagot nito kaya nagtawanan na naman ang lahat Pagdating ng mga pagkain ay nagkwentuhan pa ang mga ito. Halata mong matagal nga silang hindi nagkita kita. Nalaman ni Jade na nasa China si Sid at busy sa pagtatrabaho dahil may itinatayo daw itong branch ng bar doon. Sobrang dami ng nagbago makalipas ng walong taon.  Nakakatuwang isipin na dati ay mga hamak na college student pa lang ang mga ito at ngayon ay mga successful na. "Dito ba 'yung condo mo Jade?" tanong ni Jake dahil siya ang naghatid kay Jade "Oo, dito na ko." sagot ni Jade at bumaba na ng kotse at kinuha ang mga naglalakihang gamit nito "Tulungan na kita," "'Wag na, kaya ko na naman saka umuwi na kayo balita ko may shooting ka pa bukas ng cooking show mo." sabi ng dalaga Tumawa naman si Jake habang tinutulungan ito. "Ang lakas talaga ng tadhana." bulong ni Jake sapat para hindi marinig ni Jade "Ha?" "Wala, wala." natatawa nitong sabi Pagkatapos na maibaba ang gamit ay kumaway na ang dalaga sa mag-ama. "Ingat!" sabi pa nito habang tinitingnan paalis ang kotseng naghatid sa kaniya dito. Nang makarating ang dalaga sa unit nito ay inaayos nito kaagad ang kaniyang mga gamit. "Nakalimutan ko pa lang ibigay 'yung mga pasalubong ko." sabi nito sa sarili habang pinupulot ang mga kalat na galing sa pag-aayos niya *ding dong* "Sino naman kaya 'to?" bulong ni Jade Kahit nagtataka ay binuksan niya ang pinto. "Good evening po ma'am, nand'yan po ba si—" natigilan ang lalaking ito pagkakita sa dalaga. "Excuse me?" "Ah, sorry po nagulat lang po ako may kamukha po kasi kayong artista eh." natatawang sabi nito sa dalagang si Jade. "Anyway po, nand'yan po ba Mr. Alonzo ito na po kasi 'yung delivery ni—" muling pagpapatuloy nito "Kuya mali ka ata ng napuntahan walang Mr. Alonzo dito." sagot ni Jade sa delivery boy na ito. "Pero po ma'am, unit 313 po ang nakalagay sa address." "312 ako kuya. Etong katapat ko ata 'yung 313." nakangiting sabi ni Jade "Ay sorry po ma'am, wala po kasi akong suot na salamin ngayon eh. Pasensya na po kayo ma'am." "Okay lang." "Tss, may kamukha talaga siyang artista." naiiling na bulong ng delivery boy pagkatalikod Matapos isara ni Jade ang pinto ng kaniyang unit ay siya namang pagbukas ng pinto ng katapat niya—ang unit 313. "Good evening po. Kayo po ba si Mr. Alonzo? Shawn Alonzo?" tanong ng delivery boy na ito "Tangina, sabi ng Dela Cortez ang ilagay." bulong ng lalaking ito at kinuha ang delivery niya. Pagkaalis ng delivery boy ay napansin ni Shawn ang unit sa tapat niya. Napansin nito na mukhang may nakatira na. Habang nakatingin sa pinto ng unit na katapat niya ay siya namang pagtunog ng cellphone niya. Kinuha niya iyon sa bulsa at tiningnan kung sino ang nagmessage sa kaniya. Ace sent a photo. Balak sanang ipagsa-walang bahala ni Shawn ang message ng gago nitong kaibigan ng tumunog ulit ito. Ganda ng ex mo d... Dahil sa kuryosidad ay binuksan ni Shawn ang message ni Ace. Bumungad sa kaniya ang mukha ni Jade. (attached photo) Ganda ng ex mo dude, ireto ko kaya 'to sa pinsan mo? Nanigas ang katawan ni Shawn habang nakatingin sa cellphone nito. "Nandito na siya?" tanong nito sa sarili. Bago pa man siya makapagtipa ng mensahe kay Ace ay biglang lumitaw ang pangalan na Keegan na tumatawag, agad niya itong sinagot ng makita ang pangalan nito. “Hoy Keegan, ang sabi ko Dela Cortez ang ilagay mong apelyido ko!” sigaw ni Shawn mula sa telepono, kausap niya ang kaniyang secretary s***h bodyguard. Ibinigay si Keegan ng kaniyang Lolo Antonio upang makaiwas na rin sa mga media patungkol sa isyu walong taon ang nakakalipas. [Siraulo ka, sino sa atin ngayon ang pikon.] Bago pa marinig ni Shawn ang nakakairitang paghalakhak ni Keegan ay ibinaba niya ang tawag. "Tss," ang tangi niyang nasambit matapos ihagis ang telepono niya sa sofa. Hinilot niya ang kaniyang sentido at saka binuksan ang flat screen TV na kaharap niya. Inilipat niya ang channel at agad ding tumigil ng makita ang isang pamilyar na mukha sa isang commercial. In-air ang commercial ni Jake—ang cooking show na kung saan ay naging guest na rin siya isang buwan ang nakakalipas. Maya maya ay nalipat ito sa balita patungkol sa mga sikat na artista ngayon. Nanlaki at nalaglag siya sa kinauupuan niya nang iflash sa TV ang mga photoshoot ng ex niya. May kasama itong caption na; Nasa Pilipinas na ang artistang si Jade Madrid. Tila nangunot ang noo ng binata habang hindi kumukurap. Imbes na sa babae ito tumingin ay nasa lalaking kasama ng ex niya sa photoshoot napako ang mga mata niya. "Tangina sino 'yan?" malakas na sabi niya sa sarili. Mag-a-alas onse na ng gabi pero hindi makaidlip si Shawn. Marahas niyang ginulo ang buhok at saka bumangon. Gusto sana niyang mag-inom pero wala itong nakitang beer sa kaniyang refrigerator. Kahit na naiinis ay lumabas pa rin ito para lamang makabili sa pinakamalapit na bukas na convenience store. Habang papalabas ay iniisip niya na rin kung paano papatayin ang kaniyang nakakairitang secretary na hindi nasunod sa kaniya, ngunit agad ding naglaho dahil sa kaniyang nakita. "Opo, nandito na ako sa Pilipinas. Nakarating ako ng safe—" Ganu'n din ang naging reaksiyon ng babaeng ito sa kaniyang nakita, muntik niya ng malaglag ang phone nito kung hindi lang siya agad nakabawi sa pagkakagulat. Wala ni isa ang nagsalita at gumagalaw sa kanila pagkasakay nila ng elevator. Nasa magkabilang dulo ito na akala mo ay hindi magkakilala. Nakapako ang tingin ni Jade sa kaniyang cellphone habang si Shawn naman ay palihim na sinusulyapan ang kaniyang ex. Kahit na sino, maliban sa kanilang mga kaibigan ay mag-aakala talaga na hindi sila magkakilala pero para sa dalawa ay halos sumabog na ang kanilang dibdib sa kaba. Alam ni Jade na hindi niya maiiwasan na magkita sila ng dating boyfriend pero hindi sa ganitong paraan niya ine-expect. Naka-tee shirt ito ng malaki at short na hindi gaano kaikli. Naka-bun din ang kaniyang buhok na masyadong magulo pero bumagay sa kaniya. Ilang mura na ang nasambit niya sa kaniyang utak, tinatanong din kung bakit parang ang bagal ng elevator ngayon. Samantala, ang naka-tee shirt na plain white at pajama na si Shawn ay hindi maitago ang ngiti. Naglaho lamang ito nang bumukas na ang elevator at saka naunang lumabas si Jade. "Hindi ba ako nagmukhang bitter du'n?" tanong ni Jade sa sarili habang naglalakad palabas ng elevator. Kinagat nito ang labi saka mabilis na naglakad ramdam niya kasi na pareho sila ng patutunguhan ng binata. "Are you gonna be my late sunshine?" nakangiting sambit ni Shawn sa sarili matapos mabasa ang nakasulat sa tee shirt na suot ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD