Chapter 4

2174 Words
“What can you say?” tanong nito habang nagkakape sila sa isang café sa Miniatur Wunderland, isang open museum ng iba’t ibang klase ng tren at pinakapopular na pasyalan sa Hamburg. She was not a train lover but she loved the place. Sa sobrang pagkaaliw niya ay hindi niya napansin na tanghali na pala at gutom siya hanggang yayain siya ni Liam na kumain. “Maganda dito. Pero nami-miss ko ang init ng Pilipinas. And the people here are…not as warm.” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. They are a bit cold.” At ganoon din si Liam sa kanya. Malamig ang trato nito. He was a good tourist guide but he was cold and grumpy. Kaya pinipilit na lang niyang aliwin ang sarili sa mga nakikita niya para mawala ang atensiyon niya dito at di niya masyadong maramdaman ang presensiya nito. Ayaw na niyang mangyari ang nangyari sa kanya kanina sa bahay nito. “Hindi katulad sa Pilipinas na laging nakangiti ang lahat ng tao at welcome ang lahat.” May kakaibang ngiti sa mata nito na parang inaalala ang pagbisita nito sa Pilipinas. “Filipino people are as warm as the country.” "Bakit mas gusto mo dito sa Germany? Narinig ko na mas gusto ng mama mo na bumalik kayo sa Pilipinas. Lahat sila nagpaplano nang umuwi. Ikaw na lang ang gustong maiwan dito. Wala ka namang girlfriend na maiiwan dito. None that I am aware of." Alam niya ay wala itong nobya at di rin mahilig makipag-date. Tumaas ang kilay nito. "Why the question?" "Ano bang meron dito na di mo nakukuha sa Pilipinas? Sa palagay mo ba mas masaya ka dito? Don't you want a better career, popularity and you can make your family happy? Nakita mo ang mama mo kanina. Nadismaya siya nang sabihin mo na hindi mo gustong umalis ng Germany." Mariing nagdikit ang labi nito. "Alam ko iyan." "Bakit di mo tanggapin ang offer? Hindi pa ba mataas ang salary na inaalok sa iyo?" Itinaas nito ang isang kamay lagpas sa ulo nito. "As high as the skyscraper. I am not signing still." “Bakit ayaw mong sumama? May babae ka bang naiwan sa Pilipinas na nanloko at nanakit sa iyo at…” Iwinasiwas nito ang kamay. “Just cut it, okay?” angil nito na biglang umigting ang anyo. “Wala akong naiwang babae sa Pilipinas. Ayoko lang bumalik doon. Pero hindi dahil sa isang babae.” Pero kung wala itong naiwang babae sa Pilipinas, bakit parang lalo pa itong nagalit sa kanya. Did she hit close to home? Gusto pa niyang mag-urirat ngunit hindi iyon magandang move. Baka mahirapan siyang kumbinsihin ito na maging bahagi ng El Mundo FC. Dapat ay mag-focus lang siya sa misyon niya doon. She didn’t freaking care about his past or his love life. Pinakatitigan niya ito. "What will make you sign?" Naniniwala siya na ang lahat ay may katapat na halaga. Malaki ang pagkakataon nitong sumikat lalo na't nagsisimula nang umangat ang football sa Pilipinas at marami ang nag-i-invest dito. "Ganyan ka ba kakulit?" iritado nitong tanong. "Yes. Dahil di ako pwedeng bumalik sa Pilipinas hangga't di ka pumipirma sa El Mundo FC," aniya sa desperadong boses. "Enjoy your stay in Germany then, sweet face. I am not going,” anito at tumayo saka nag-iwan ng pera para sa bill nila sa kape. Saka nagmamadaling naglakad palabas ng café. Hinabol niya ito. “Look, ano bang kailangan kong gawin para lang mapapayag ka?” "What an enticing question. What are you willing to give me to convince me to sign the contract. A touch? A kiss?" Gumuhit ang nanunuksong ngiti sa labi nito at lumapit sa kanya hanggang ilang pulgada na lang ang pagitan nila. "A night together?" He was generating a certain kind of warmth that was making her warm all over. Hindi niya alam kung bakit nagre-react ang katawan niya ng ganito sa lalaking iniisip na handa siyang ibigay ang katawan niya para lang mapapirma ito ng kontrata. Matapang niyang sinalubong ang mata nito. "Hindi ako ganoong klaseng babae." Naging malamlam ang mga mata nito at hinuli ang ilang hibla ng buhok niya na kumawala sa bonnet niya. "And here I thought that you are willing to do everything to make me sign. Nang huling beses kong makausap si Pierro, he sounds so desperate. Napirata ang dalawa sa magagaling ninyong striker at midfielder. He said I am perfect to fill both roles." He knew his value and he knew that he was holding the cards. At pakiramdam niya ay di lang buhok niya ang hawak nito kundi maging leeg niya. "Pero di kami ganoon kadesperada para ipagamit ko ang sarili ko sa iyo. Marami na akong napapirma ng kontrata nang hindi ko kailanganv mag-resort sa ganyan kababang taktika. Hindi ako cheap." He rolled the strand of her hair with his fingers. "But I like you." Humakbang siya paurong. Hindi iyon ang salitang inaasahan niya mula dito. Gusto siya nito? Gusto siguro siya nitong atakihin sa puso. Sa dami ng magagandang babae sa Germany, imposible ang sinasabi nito. Hindi siya ang tipo ng babae gustuhin ng mga lalaki. She was always ignored or even feared. Hinawakan niya ang leeg niya. "Hindi ako ang type mo." Tumaas ang kilay nito. "Anong alam mo sa type ko? Huwag mong sabihing higit pa sa football ang ni-research mo sa akin?" Ipinamulsa niya ang kamay sa coat. Hindi niya pwedeng hayaang ilayo siya ng ilayo sa pakay niya. "Mr. Aramis, ang gusto ko lang ay seryosohin mo ako at ang proposition ko. Malaking opportunity ito para umangat ang football career mo. Malaki ang opportunity mong umunlad kung maglalaro sa Pilipinas." "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wala akong interes na umalis ng Germany. Goodbye, Miss Bautista," anito at naglakad palayo. That was it? Basta na lang siya nitong tatalikuran nang hindi man lang makikipag-negotiate sa kanya. "Liam! Mr. Aramis..." Lumingon ito sa kanya. "Auf Wiedersehen!" pagpapaalam nito at kumaway. Akmang hahabulin niya ito may humarang sa kanya na isang mascot at niyakap siya. Nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Gumapang ang takot sa buong katawan niya. Isang matinis na tili ang pinakawalan niya. WHY was Cattleya Bautista so persistent? Hindi niya alam kung bakit may kakaiba itong charm. She exuded it without even trying. He was more attracted to sweet girls. Cattleya had a strong character. Kailangan na niyang lumayo dito. Naging kakampi na ito ng mama niya. Ayaw niyang bumalik sa Pilipinas. So many memories. Memories he didn’t want to remember. Sana lang ay iwan na siyang mag-isa ni Cattleya. Maraming ibang manlalaro sa mundo na mas magaling sa kanya. Matapos niya itong insultuhin, tiyak na magbabago na ang isip nito. Isang matinis na tili ang narinig niya na nakapagpalingo sa kanya. “No! No! Go away! No! No, please!” Sumasal ang kaba sa dibdib niya. Boses iyon ni Cattleya. Bigla siyang pumihit pabalik. Malalaki ang hakbang niya papunta sa pinanggalingan ng boses nito. Hindi niya ito dapat basta-basta iniwan. Bago lang ito sa lugar na iyon. Dahil iniwan niya ito ay baka napag-tripan ito ng kung sino. Hindi niya alam kung magnanakaw, maniac, r****t o serial killer. Kasalanan niya ito. Hindi niya ito dapat iniwang mag-isa. Ibinilin ito sa kanya ng nanay niya para ipasyal niya. Nasa Germany ito para sa kanya. Kapag may nangyaring masama kay Cattleya ay kasalanan niya. Ihinanda na niya ang sarili sa pakikipagtunggali kung sinumang masamang loob ang makakasagupa niya. Ipagtatanggol niya si Cattleya at titiyakin niya na hindi ito masasaktan. “Cattleya!” tawag niya sa pangalan nito. “Liam, tulungan mo ako,” anito sa nananaghoy na boses na balot ng takot. Nagdilim ang paningin niya nang makita ang malaking nilalang na nakayakap dito. Hindi lang basta malaki kundi mabalahibo rin at kulay…violet. Mascot ng park ang may yakap-yakap kay Cattleya – isang violet na ibon na isa sa paborito ng mga bata doon. Hindi isang kriminal na dapat katakutan. Ano bang klaseng kalokohan ito? “Liam, sabihin mo sa kanya na pakawalan niya ako. Nagmamakaawa ako. Mamamatay na ako,” anitong tigmak ng luha ang mukha at pilit na inuunat ang kamay sa direksiyon niya. “Hindi ka mamamatay. It’s just a mascot,” aniya sa magaang boses. Nagpapadyak ito. “A-Ayoko sa mascot. Takot ako. S-Sabihin mo sa kanya na bitiwan ako. Ayoko talaga. Ayoko! At huwag mo akong pagtatawanan. Sasapakin kita!” Napailing siya. Pambihira ang babaeng ito. Ito na ang mamatay-matay sa takot pero nagagawa pa rin siyang pagbantaan. Not your typical damsel in distress. (“Let her go,”) utos niya sa mascot na pakawalan ito. Lumuwag naman ang pagkakahawak ng mascot dito at dali-daling tumakbo si Cattleya sa kanya. “Ayoko na dito. Iuwi mo na ako,” pakiusap nito habang nakasubsob ang mukha sa dibdib niya. Parang may bumundol sa dibdib niya nang maramdaman ang init ng katawan nito. Parang pinipiga din sa sa sakit ang dibib niya nang marinig ang hagulgol nito. So he was a sucker for damsels in distress. Iilan na lang ang mga ito sa panahong ito. Hindi niya maiwasang maging malambot pagdating sa mga ito. “Tumahan ka na. Wala na ‘yung mascot. Umalis na,” sabi niya sa magaang boses. “Ayoko na dito. Ibalik mo na ako sa hotel,” pakiusap nito. “Ayaw mo nang mamasyal sa Hamburg? Maraming tourist spot dito na walang mascot.” Gusto niyang ibalik ang sigla at saya sa mata nito kanina. Ayaw niyang nanghihina ito, umiiyak at natatakot. Mas gusto niya itong maalala bilang palabang babaeng nakilala niya. Umiling ito. “Ayoko na. Gusto ko nang magpahinga.” Marahan niya itong iginiya palabas ng park at pumara agad ng taxi. Nakayukyok pa rin si Cattleya sa dibdib niya. Parang pinipiga ang dibdib niya habang naririnig ang hikbi nito at panginginig ng katawan nito. “I am sorry. Hindi kita dapat iniwan,” bulong niya dito. “Hindi mo naman kasalanan iyon. Noong bata ako ipinasyal ako ng magulang ko sa Fiesta Carnival. M-May isang mascot akong sinusundan. K-Kaso sa dami ng mga bata, natalisod siya ng isa at bumagsak sa akin. Kaya simula noon takot na takot ako. Pakiramdam ko sasaktan ulit ako.” “It’s okay. Malayo na tayo doon. Ligtas ka na,” wika niya at hinaplos ang buhok nito. Sinamahan niya ito hanggang sa loob ng hotel. Pinaupo niya ito sa kama at ikinuha ng bottled water mula sa refrigerator para inumin nito. “Here. Mas bubuti ang pakiramdam mo diyan.” “S-Salamat,” anito at tahimik na ininom ang tubig. Gusto niyang umupo sa tabi nito at ihilig ang ulo nito sa braso niya. He wanted to comfort her. He wanted to soothe her until she stopped trembling. Nakuyom niya ang palad para pigilan ang sarili . Hindi na niya kailangan pang gawin iyon. Naibalik na niya ito nang ligtas sa hotel. Isa itong matatag at matapang na babae. Hindi na nito kailangan ang comfort niya. Kaya inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at katatagan niya at sinabing, “Kailangan ko nang umalis.” “Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan,” anito at hinatak ang kamay niya. Nawalan siya ng balanse at muntikan itong madaganan. Mabilis lang niyang naitukod ang palad sa kama para di ito tuluyang madaganan. Nahigit nito ang hininga dahil sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. She looked so damn kissable. Iyon din ang naisip niya kaninang umaga nang titigan niya ang labi nito. She could be an sss, a damsel in distress and a seductress. Bumalik ang alaala niya sa isa pang babae na tulad nito - mahina at kaakit-akit. Na laging humihingi ng lakas niya para mabuhay. Na inaakit siya para sa pansarili nitong interes. Ang babaeng nagpanggap na mahal siya nito. Sa isang iglap ay hinugot siya mula sa nakaraan. Hindi na niya masabi ang pagkakaiba ngayon. Dahil nasa harap niya ang isa dahilan kung bakit hindi niya dapat basta-basta pagkatiwalaan ang mga babae. Ngumisi siya. “So this is your game? Kunyari takot ka sa mascot pero idinala mo ako dito para akin.” Natigagal ito. “A-Ano?” Great! At mukha talaga itong inosente. Perhaps she perfected it already. Pang-akit nito ang pagiging inosente nito. Bihasa na ito sa pagpapatay-malisya pero ang totoo ay nagagawa na nitong kumbinsihin ang tao sa gusto nitong mangyari – marahil sa paggamit ng katawan nito. Hindi siya malalaglag sa patibong nito. Tumuwid siya ng tayo. “Stop playing innocent, Miss Bautista. Gagawin mo talaga ang lahat para akitin ako na pumirma sa El Mundo FC. Hindi mo pa ako dinirekta kanina.” Nanlaki ang mata nito. “Iniisip mo na inaakit kita?” “Hindi ako ganoon kadaling mauto. Goodbye, Miss Bautista. Kung ako sa iyo, simulan mo nang mag-empake pabalik sa Pilipinas. Wala kang maaasahan mula sa akin.” At taas-noo siyang lumabas ng silid. Nakaramdam siya ng pagmamalaki. Nalagpasan niya ang isang malaking pagsubok. Hindi siya nagpaakit kay Cattleya Bautista.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD