CHAPTER 20

1877 Words

CHAPTER 20 TULALA si Larrah Graine sa pagkakaupo sa kama ni Eloisa sa apartment. Hindi na siya umiiyak pero masama pa rin ang loob niya at nag-iisip siya dahil sigurado ngayon ay hinahanap na siya ng mga magulang niya. Pero ano bang sasabihin niya? Ayaw niyang tumawag kasi baka masabi lang niya ang mga sinabi sa kanya ni Venus. Ang masaklap pa ay sabihin ni Ghuix na idinadamay lang niya ang babae pero ang totoo ay ayaw niyang magpakasal talaga. Baka siya pa ang lumabas na kotrabida lang na naman. Siya na nga ang pinagmukha ni Venus na kotrabida sa una, hanggang huli ay siya pa ba? Pero kasalanan ba niya kung siya ang gusto ng Tita Suzanne niya na mapanagasawa ni Guilherme? Hindi naman. Wala rin naman siyang kamalay - malay. Sinubukan naman niyang tumanggi pero ayaw naman ni Ghuix dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD