Book 2 CHAPTER 37

2368 Words

CHAPTER 37 NAGISING si Yza na mukha ni Adam ang nabungaran nang tumingala siya. Parang ahas na naman na nakapulupot sa kanya ang mga braso nito habang nakasandal sa headboard at natutulog. Nakatagilid ang ulo nito at malamang ay stiff neck ang kalabasan sa paggising. Kaya lang, umagang-umaga ay parang inaararo na naman ng kilig ang puso niya. Binantayan kasi siya nito, sigurado siya. Kahit na ang taas ng lagnat niya ay ramdam niyang maya’t maya ang salat nito sa leeg niya at lagay ng thermometer sa kili-kili. Ewan niya kung saan nito ninakaw ang thermometer, baka ipinabili sa isa sa mga tauhan. Pati pag-inom niya ng gamot ay nasa oras pa talaga. And what made her heart grow fonder? Ramdam niya ang palagiang paghalik nito sa labi niya kahit na natutulog siya. Mahalaga siya para sa asawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD