Book 3 Chapter 4

2063 Words
Chapter 4 Mahigpit ang yakap ni Vince kay Nathalia habang hinahalikan siya ng lalao. She’s consenting it. Ni hindi niya makapa sa isip ang pagtututol dahil sa ilang linggo na lumipas ay totoong napakabait nito at sinusuyo siya. Binalewala niya ang nakitang pakikipagtalik nito sa isang babae dahil hindi na naman ‘yon naulit pa at nagpaliwanag ito kahit na wala naman siyang tanong. Namalayan na lang niya ay kinakausap na rin niya ito na hindi paangil ang sagot niya at ngumingiti siya rito kahit na ayaw niya. She started to like him. She started to eat her words. Pumisil ang kamay nito sa may balakang niya at malayang gumagalaw ang labi sa labi niya. Naabutan siya nitong lumabas ng kwarto matapos niyang mag-vacuum pero hayo”n at sinalubong kaagad siya ng isang halik na hindi niya nagawang tutulan. “Vincent!!!” isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa lalaki sa ginagawa sa kanya kaya sabay silang napatingin sa gawi ng boses na iyon na walang kasing bagsik. Literal na umigkas sa pagpintig ang puso ni Nathalia nang makita ng mga mata niya kung paano naguhitan ng dilim ang mukha ni Don Ignacio. Bakit ayaw niyon na may mamagitan sa kanila ni Vince na espesyal? Is it because she doesn’t belong to their world? Ganoon ba? Dahil ba hamak na driver lang ang ama niya at mahirap lang sila? Sino ba ang gusto nito? Ang babae na iyon na kasama buong maghapon ni Vince na kahit magkausap ang mga ito ay sa kanya naman nakatingin? Nanatili siya sa kinasasandalan kahit na lumapit na ang matandang don sa kanila. Walang pangingiming sinampal no’n si Vincent na ikinapilig lang ng ulo ng isa at ikinatigas ng panga. Natutop ng dalaga ang bibig dahil sa nakitang ka-bayolentehan ng matandang lalaki. Bigla ang pagragasa ng takot at kaba sa dibdib niya at kaagad na nanginig ang mga tuhod kaya pinamuuhan ng mga luha ang kanyang mga mata. “Mauna ka na sa ibaba. I’ll talk to Nathalia. Now!” singhal pa no’n sa sariling anak. Tiningnan pa siya ni Vince bago iyon umalis. Wala ngang lakas ng loob na lumaban iyon sa ama. Sino ba naman ang maglakalakas ng loob kung napakamapanakit naman pala ni Don Ignacio? Habol nito ng tingin ang anak na papaalis saka ito tumingin sa kanya na parang lalamunin siya nang buo. “Stop ruining my son’s future, Nathalia. He deserves someone better than a student like you. So if I were you, stop pushing yourself closer to him. Si Alyssa ang para sa kanya at hindi ang babae na tulad mong pinulot lang sa probinsya. Mag-isip ka iha. Kawawa ka.” ngumisi pa iyon habang titig na titig sa mukha niya. Tumalikod ang matanda at iniwan syang nakatanga. Para na rin siyang sinampal dahil sa mga binitiwan niyong salita. Mas mabuti na ngang pinisikal na lang siya kaysa sa ganoon ang mga sinabi sa kanya, na hindi lang basta makapang-insulto, nakakamatay pa ng pagkatao. She bowed her head and muffled her sobs. Ito ba ang sinasabi sa kanya ng Papa niya na matuto siyang ipaglaban ang kung ano ang kanya? Paano? Kahit hindi man niya himayin ang buong pagkatao ni Don Ignacio, hindi maitatago na masama ang ugali no’n. Paano siya lalaban sa ganoon kung sarili mismong anak ay takot na lumaban? Pinahid niya ang luha at saka marahang naglakad para bumaba, hila ang vacuum. It’s so wrong to fall for Vince. He’s kind and sweet, at hindi ito tulad ng ama nito na parang demonyo. Pagdating niya sa mesa ay patingin - tingin sa kanya si Vincent. Ipinaghila pa siya nito ng upuan para makaupo siya pero parang atubili ang sistema ni Nathalia lalo na nang hilahin ni Vince ang vacuum at ibinigay sa isa pang kasambahay. Bakit siya nito pinauupo? Dapat ba siyang makisabay sa pagkain dahil lang sa nagkakagustuhan sila? “Umiyak ka ba? May sinabi ba sa’yo si Daddy na masama?” tanong ni Vince sa kanya at yumukod pa ito para idikit ang mukha sa may tainga niya. Ipinilig niya ang ulo para tingnan ito. She can see his cheek, red in color. Dahil sa sampal iyon ng ama nito. Ano bang choice niya? Kung sasabihin niya rito, ano naman magagawa nito? Umiling na lang sang dalaga at ito ay umupo sa pwesto nito; nilagyan ng pagkain ang plato niya. Pinagmamasdan niya si Vince. Ang gwapong mukha nito ay maamo naman. He has a different aura compared to his father. Although malaki ang pagkakahawig ng dalawa, masasabi niyang parang magkaiba ang mga ugali ng mga ito. Minsan siyang nagduda sa pagkatao ni Vince pero kinalaunan ay unti-unting nag-iba ang patingin niya sa lalaki. There’s a pull but she can’t name it. O baka dahil mabait lang sa kanya si Vince ngayon, kaya ganoon ang isip niya. “Sino si Alyssa?” tanong niya kapagkuwan. Hindi na rin s’ya nakapagpigil pa na huwag mag-usisa. Natigilan si Vince sa tangkang pagsubo ng pagkain. Hindi ito tumingin sa kanya. “A childhood friend. Magkakumpare ang Daddy niya at si Daddy. Tito Wilson owns uncountable Agencies of hired bodyguards while Dad, may-ari s’ya ng mga pagawaan ng baril na nagdi-distribute sa buong mundo at sa Agency ni Tito Wil, Alyssa”s father. Why?” tumingin ito sa kanya. “Gusto mo ba s-siya?” yumuko pa siya nang kaunti pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang parang pagngiti ni Vincent. “Ikaw ang gusto ko, Nat.” prangkang tugon nito sa kanya na parang ikinailang na naman niya. “Magagalit ang Daddy mo.” aniya naman dito saka niya dinampot ang kutsara at tinidor. “Let him. Ako lang naman ang sasaktan niya, ‘wag lang ikaw.” naiiling pang sabi nito. Hindi na siya umimik. Hindi pa rin biro kung sakaling matutuloy ang relasyon nila sa maganda. Kapag dumating ang araw na handa na siyang lumagay sa tahimok pagka-graduate niya, paano ang mabubuo nilang pamilya kung sakali? She can’t be undecided. Hindi s’ya dapat na magpadalus-dalos sa mga ikinikilos niya hangga’t wala siyang kakayanan na lumaban. Kawawa ang magiging anak nila kung sakali. Dapat hindi siya padadala sa mga halik at yakap nito hangga’t walang kasiguruhan na kaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, at hindi nito kayang ipagtanggol siya. … Laman pa rin ng utak ni Nathalia ang lahat ng sinabi sa kanya ng ama ni Vince kinaumagahan. Wala naman ang lalaki. Balak nga sana siyang ihatid ngayon sa eskwelahan pero hindi natuloy dahil isinama ng ama sa pangangampanya, kasama raw si Alyssa. As usual, walang nagawa si Vincent. Pumayag na rin siya at sinabi na kaya naman niyang mag-commute kaysa naman saktan na naman ng Don ang sariling anak dahil lang sa kanya. “Nathalia Kim,” tawag ng professor niya sa kanya. “Po?” wala sa isip na tanong niya at napatuwid ang likod sa sandalan. Kanina pa iyon nagsasalita sa harap dahil sinasabi no’n ang designated business companies na pwede nilang pag-OJT-han. Pero wala siya sa huwisyo kaya ganoon na lang ang pagkanganga niya. Mula sa pagkatulala sa sahig ay umangat siya ng mukha at hindi na lang ngayon ang prof nila ang nasa harap. Nakatayo roon ang lalaki na minsan na niyang nakita. She blinked spontaneously. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo para sa kanya. Really? How is that possible, Nathalia? Biglang nawala ang bugnot niya at nakalimutan ang ipinagtatampo ng damdamin niya. Ewan niya pero parang may kung anong bumalot sa buong sistema niya nang makita ang lalaking nakita niya sa parking lot ng isang restaurant. Isang beses lang ‘yon na nangyari pero parang memoryado niya ang mukha ng lalaki na walang kasing angas. Nakapamulsa ang lalaki at nakaitim na naman na damit kaya ang puti-puti lalo at di hamak na sobrang pogi pala nito sa liwanag kaysa sa dilim. His perfectly sculptured face is now exhibiting excessive pride and possession—authority, lalo na ang mga mata nitong parang mapaghamon kung tumingin. Para itong isang tao na hindi umaayaw sa anumang laban ng buhay at walang inuurungan na tao. Bakit ganoon ang nararamdaman niya? Parang may mali. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita o halos isang buwan na nga yata at wala naman siyang kung anong meron para rito noong una at huli nilang pagkikita, pero bakit ngayon ay parang natuwa siya na nakita niya ulit ang gwapong mukha nito? No! Pagtataksil kay Vince yatang matatawag ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki pero sino ba ang hindi hahanga eh sobrang gwapo at angas? “Kasama ka sa grupo ng mga magti-training sa de Lorenzo Empire Towers. I will assign you to look after your team mates. This is a big opportunity for your classmates, dahil wala ng dapat na bayaran pa. The Company will accommodate all of you without a single penny needed for your training courses. Be thankful dahil ang laking gratitude na ang Presidente pa mismo ng kumpanya ang nagsadya rito noong isang araw para mag-offer ng training sa inyo. Siya si, Mister Nexus Rix de Lorenzo.” anang babaeng professor nila at sumulyap pa sa lalaking katabi na walang ipinagbabago ang paraan ng pagkakatindig. He’s arrogant. Tumango siya sa babae tapos ay tumingin siya sa lalaki. Ang gwapo niya. Tumingin din ito sa Mada”m Felicity nila at pasimpleng tumaas ang isang sulok ng labi, katiting na parang ayaw pa nga. Lalo itong naging mapang-akit sa paningin ni Nathalia na kahit ang titser nila ay parang pinamulahan ng mga pisngi. Susko! Napapaano ba ako? Hindi niya maihiwalay ang mga mata sa lalaki. Parang may milyong medalyon ito sa katawan na nakasabi para mang-akit ng tao. “Glad to help.”simpleng sagot ni Nexus sa propesora tapos ay tumingin ulit sa kanya. She smiled at him but he didn’t smile. Parang nakaramdam pa siya ng hiya kaya nag-iwas siya ng paningin dahil napahiya pa siya. Harap-harapan siyang ini-snob ng lalaki. Suplado. Napaliko nang wala sa panahon ang labi niya sabay iling pero hindi niya napigilan ang sarili na huwag itong tingnan ulit. He’s still gazing at her with his unreadable facial expression and thought. Basta ang nakikita niya, maangas ito at mayabang. “Grabe ang titig niya, makalaglag ng panty saka bra.” bulong sa kanya ni Fiona sa likuran. “Ang sobrang gwapo niya pa at ang tapang ng dating. No one can defy him. He’s the type of man na safe ka sigurado kapag hinawakan ka, ‘yong tipo na walang pwedeng manakit sa’yo.” daldal pa niyon. Hindi siya umimik pero nakapako ang mga mata niya sa lalaki na ngayon ay sa instructor na nila nakaharap. Kausap nito ang adviser nila. Tama nga si Fiona dahil ‘yon ang ipinakikita ng aura ni Mr. Nexus de Lorenzo. Mukhang wala sa vocabulary words no’n ang salitang talunan”. He looks like a conqueror that can defeat and destroy whoever he wants to destroy. Sa mga kilos nitong pasimple pero mukhang matindi ay parang titiklop ang kahit na sino, malayong-malayo sa kay Vince na tumitiklop kaagad sa tumatalim pa lang na mga mata ni Don Ignacio. This man in her very eye looks so brave ang conceited. Sana isang araw ay maging ganoon din si Vince pero hindi naman porke at mahina iyon ay aayawan na niya. Pwede naman na magbago ang tao at nakita na nga niya ang pagbabago no’n. She averted her gaze with the thought. She can’t adore anybody else. Para na rin niyang pinagtataksilan si Vince dahil sa mumunting paghanga niya sa Nexus na bisita nila. “Bye Mr. de Lorenzo!” paalam ng mga kaklase niya nang tumalikod na ang lalaki at nagsimulang maglakad papalabas ng classroom. Bigla niya itong hinabol ng tingin. Parang ayaw niyang umalis ito na hindi niya natitingnan man lang. He didn’t look back but lifted his hand. At nang nasa labas na ‘yon ng classroom ay lumingon sa loob ng silid at direktang tumutok sa kanya ang mga mata. His brows bobbed as his thin lips curved in a very light smile but sgowed great victory. Victory saan? Kumurap siya nang ilan. Kiming ngumiti ulit si Nathalia pero tumungo kaagad. Nahihiya siya sa di niya maintindihan na dahilan. Kumakabog kasi ang dibdib niya sa kakaibang pagkatao ng lalaki. Nakakaintriga iyon at parang ang sarp alamin kung mabait ba iyon o hindi. He looks so deadly handsome, a one charming evil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD