Book 2 CHAPTER 3

2009 Words
CHAPTER 3 NAPASILIP si Yza sa bintana habang nagpupunas s’ya ng mga mesita sa salas nang makarinig s’ya ng boses ng isang babae sa may labas ng bahay. “Putang ina ka Adam! Lumabas ka! Hayop ka!” sigaw ng babae at kahit na puro glass ang nakapalibot sa mansyon ay rinig niya ang boses niyon dahil napakalakas ng sigaw, saka halata naman na galit dahil nanlalakihan ang mga ugat sa leeg ng babae. She swallowed and touched her own neck. Parang s’ya kasi ang mapuputulan ng litid at hindi ang eskandalosang babae sa labas na parang ipinaglihi kay Satanas dahil sa tinding bumitaw ng mga malulutong na mura. “Letse ka! Hayop ka! Lumabas ka riyan! Demonyo ka Adam! f**k you! You're a son of a b***h! Son of a slut! Get out!!!” sigaw pa niyon. “Ahhhhh!” halos mag-hysterical na ‘yon sa galit. Sino ba ang babae? Nangunot ang noo ni Yza at napatunganga na. Napakasopistikada ng dating pero grabe ang talim ng bunganga. Parang imburnal na nilalabasan ng mga bulok na salita. Palapit na ‘yon sa pintuan na nakaawang kaya napatingin s’ya roon. Pilit niyang tinakbo para maisara sana para hindi makapasok ang babae pero nahuli na s’ya. Naitulak na ang pinto ng maldita at walang paalam na pumasok na sa loob ng kabahayan na parang isang senyora. Yza was halted and had a time scanning the woman. Puno ng makapal na make up ang mukha niyon pero maganda, matangkad at maputi. Napakaikli ng paldang suot nito at may slit pa sa harap. Ang damit ay harap lang ang may takip at ukab na ukab ang likod, at tali lang ang nagdadala. Mahaba ang buhok nito na lagpas bewang, malalaki ang pagkakulot at kulay burgandy. Pinasadahan s’ya niyon ng tingin at ewan niya kung bakit lalong namula ang mukha ng babae sa galit. “Hayop ka! Ikaw ang bagong babae niya!” mura niyon sa kanya at walang babalang sinugod s’ya ng sabunot. “Aray ko!” ganting sigaw niya sa babae at hinablot din niya ang buhok n’yon pero dahil hindi s’ya marunong makipag-away ay napuruhan s’ya kaagad ng mag-asawang sampal at sabunot. “Bitiwan mo ako!” inalog niya ang ulo ng babae pero hindi talaga matinag. Parang basagulera at eskandalosa talaga ito na sanay makipag-away ng pisikalan. “I'll kill you b***h! I'll kill you! Ikaw ang dahilan ng pag-iwan n’ya sa akin! f**k you!” anito sa kanya at itinulak s’ya sa sahig kaya tumama ang ulo niya sa kahoy ng Cleopatra set. Nasapo ni Yza ang ulo at napahikbi sa sobrang sakit na naramdaman niya kaya hindi s’ya kaagad na nakagalaw. Parang biniyak ang ulo niya sa lakas ng impact doon. “Lolaaaa!” sigaw niya nang maramdaman na may umbok ang ulo niya. Bakit naman ang lola niya ang tinawag niya ay hindi naman nga makabangon? Siya itong malakas pero hindi niya maipagtanggol ang sarili niya sa babaeng ito na malaki naman sa kanya talaga. Maya-maya ay sinugod ulit s’ya ng babae at inupuan sa t’yan. Nakarinig pa s’ya ng tilian sa may bukana ng dining room at alam niyang mga kasamabahay din na tulad niya, kaya lang hindi makalapit para awatin ang babae. Hinambalos din naman niya ang demonya pero talo talaga s’ya at ramdam niya nang biglang humapdi ang mga braso niya. Kuko! Kinalmos s’ya ng babae saka s’ya sinampal ulit. Hilong-hilo na s’ya dahil sa pagkaumpog at sa lakas ng mga sampal na inabot niya. “Arianna!!!” isang mabagsik na sigaw ang narinig niya mula sa hagdan pero ayaw pa rin tumigil ng babae sa p*******t sa kanya hanggang sa maramdaman niyang sapilitan na ‘yong hinila papalayo sa kanya kaya napaangat na s’ya ng mukha. Her blurry eyes saw Adam gripping the woman's arms strongly. His face was as dim as midnight with his clenched jaws and gritting teeth. “Real slut!!!” sigaw ng señorito Adam niya sa babae na pilit na gustong saktan din ang binata pero hindi naman magawa. Hanggang sa dumapo sa pisngi ng babae ang isang napakalakas na sampal galing kay Adam na ikinasinghap niya pero sa halip na ang babae ang panawan ng ulirat, ay s’ya ang hinimatay sa pagkabigla at sa pagod. “Diyos ko lola, ayoko na.” Nasambit pa niya bago tumirik ang mga mata niya at tuluyang bumigay ang ulirat niya. Napamulat si Yza nang maramdaman niya na may dumadampi sa mukha niya na isang malamig na bagay. “Ugh,” mahinang daing niya kasabay ng pag-ngiwi. Ang sumalubong sa mga mata niya ay ang bulto ng amo niyang lalaki, crossing his strong arms on his broad chest, staring at her with a doomed face. Sa tabi niya ay isang nakaputing babae na bahagya pang ngumiti nang matingnan niya. Akala niya ay ang lintik na babaeng ‘yon na naman kaya napaitlag pa siya noong una. “How do you feel?” tanong ni Adam sa kanya. Better. Gusto niyang isagot dito ng painsulto. Sino naman ang magiging maganda ang pakiramdam matapos na kuyugin ng isang baliw? Dahil sa lalaki ay nasaktan pa tuloy s’ya at napagbintangan na babae nito. Naka-pajama na nga s’ya ay kerida pa ba ang hitsura niya kung sakali? “H-Hindi po mabuti.” diretsang sagot niya. Masakit kasi ang ulo niya at alam niyang may bukol s’ya sa ulo. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Adam dahil sa sagot ni Yza. Maya-maya ay tumayo ang nurse at umalis sa tabi ng hinihigaan niyang kama. Nasa ospital s’ya, alam niya. Nasulyapan niya ang braso niya na may tatlong kalmot na pagkahaba- haba. Sayang ang kutis niyang maputi at makinis dahil sa mga sugat na iyon na mukhang nagamot na naman. Napatingin ulit s’ya sa binata dahil naalala niyang sinampal nito ang babae at hindi ‘yon mahina. “N-Nasaan na po s’ya?” naalangan pa niyang tanong dito. Napakurap tuloy s’ya bago tumungo. “Home.” simpleng tugon naman nito sa kanya kaya napatango na lang s’ya. Sinulyapan niya ito ulit at naninigas pa rin ang mga panga nito. Ano kayang inabot ng babae na ‘yon pagkatapos ng isang malakas na sampal? “You don't know how to fight. You're so fragile.” anito sa kanya at naglakad palapit sa silya sa tabi ng hinihigaan niya. Pinilit niya ang sarili na huwag kabahan kasi alam niyang uupo ito sa malapit sa kanya at hindi na nga s’ya nagkamali. He sat on the chair like a demigod. Parang mahihiya ang plastic na uratex sa kagwapuhan at angas ni Adam na kahit yata saang lugar dalahin ay palaging lilitaw ang walang kasing gandang lalaki. “Hindi naman po kasi ako marunong makipag-away. Saka hindi ko ho inasahan na ganoon ang gagawin sakin ng girlfriend niyo.” napalunok pa s’ya. Hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito sa mukha niya at napaatras ang pa ang ulo niya nang tangkain nitong salatin ang gilid ng labi niya na pakiramdam niya ay may sugat. Natakot kasi s’ya. ‘Di niya alam kung sa pagka-alangan na mahahawakan s’ya nito o sa takot na nakita niya itong nananakit ng babae. She glanced at his big hands na sa tingin naman niya ay malalambot pero dumadapo sa mukha ng babae para manampal? O baka kapag nagagalit nang husto kaya mas lalong nakakatakot pala itong gagalitin. Parang lalo lang na nabwisit si Adam dahil sa naging reaksyon niya. Sumandal ito ulit sa silya at ipinagdikitan ang mga kilay at bahagyang tumulis ang mga labi na may kanipisan. “You're afraid of me. Aren't you?” parang galit na tanong nito sa kanya. Hindi s’ya tumango, hindi rin naman s’ya humindi. Tumungo lang s’ya at hindi na ito tiningnan pa. She played with her own fingers instead. Kapagkuwan ay tumayo ito. “Kukunin ka rito ng nurse para sa CT Scan. Who could tell, baka may bleeding ka sa ulo. I'm going. Kukunin ka na lang dito ng tauhan ko. I'll be out of the country and be gone for days. Kunin mo na lang ‘yong cash sa ibabaw ng bedside table ko, para sa salary ng lola mo. Let the hospital run some tests.” anito sa kanya. Tumango na lang s’ya saka sumulyap nang kaunti sa binata pero ito ay walang ipinagbabago ang paraan ng pagkakatingin sa mukha niya. Malapit na sana niyang maisip na may gusto ito sa kanya kasi sobra kung makatingin pero mukhang napakalayo naman ng hitsura niya para maguatuhan nito. Sa klase pa lang ng mukha nito ay napakataas ng standards nito sa babae. Baka ganito lang ito kung tumingin talaga, mas’yadong nakakatunaw at nakakatakot. Until he turned his back to leave pero ‘di pa man lang nakakahakbang si Adam ay bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwal n’yon si DJ. Napatigil ang binata sa tangkang pag-alis at namulsa habang sunod ng tingin ang lalaking bagong dating na tuluy-tuloy na pumasok at sa kanya lang nakapako ang mga mata, ni hindi nito tiningnan ang señorito niya. “DJ?” nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ang lalaking manliligaw niya. Halatang concerned na concerned ang hitsura niyon sa kanya at parang nahapo nang makita ang mukha niyang alam niyang may mga pasa at sugat. Hindi lang niya manliligaw si DJ, halos magka-MU na nga sila o may pagkakaintindihan na, na kapagka-grumaduate na siya at nakakuha s’ya ng trabaho kaagad ay magiging mag-on na sila. She likes DJ o mas tamang sabihin na mahal nga niya ito. Mabait kasi ito at malaki ang respeto sa kanya. Kababata niya si DJ sa probins’ya ng Laguna, matanda sa kanya ng tatlong taon at nagtatrabaho bilang engineer sa isang malaking kumpan’ya dito sa Manila. He's been visiting her regularly in her apartment. Minsan ay sinusundo s’ya sa school. They maybe acting like a real couple but DJ never touched her like a real one. Ayaw din naman kasi niya. Nakakahawak naman iyon pero sa kamay lang at alam naman nito ang standards niya pagdating sa ganoong bagay. Kaya nga gustong-gusto niya ang lalaki kahit noon pa na mga bata pa lang sila. Bukod kasi sa kagwapuhan ay mas’yado itong marespeto sa kanya. “Alexa.” aniyon sa kanya at kamuntik pa s’yang mayakap nang makalapit pero umiwas s’ya. “Sorry.” hinaplos na lang tuloy nito ang ulo niya kaya ngumiti s’ya. Mula sa likod ni DJ ay kitang-kita n’ya kung paano iyon pasadahan ng tingin ni Adam na parang gustong lamunin nang buo hanggang sa tumikhim na nga ang amo niya kaya napatingin si DJ sa binata. Alanganin s’yang nagsalita. “S-Señorito ko, Si Señorito Adam.” pakilala ni Yza kay Adam habang inaaral ang facial expression ng gwapong amo. “Dan James po, Mr. De Lorenzo, Alexa's fiancé.” anaman niyon at gusto pa niyang hampasin dahil sa sinabi. Pero may katotohanan din naman nga kasi wala naman siyang balak na maging boyfriend na iba kung hindi si DJ lang, at balak na pakasalan in the near future. DJ automatically extended his arm for a handshake and smiled widely but Adam never did. Tiningnan pa ito na mabuti ng binata na akala mo ay may sangkatutak na mikrobyo na lilipat sa kamay nitong magaganda kapag nakipag-kamay kay DJ. Nabawi na lang tuloy ng isa ang sariling kamay at naipahid sa pantalon na suot saka ngumiti sa kanya nang alanganin. Maya-maya ay tumango lang ang kanyang amo nang marahan habang hindi mapuknat ang tingin sa kababata niya. Halos hindi pa nga makita ang ginawang pagtango. Tipid na tipid ang binata sa lahat. Sa ngiti ay tipid, sa pagtango ay tipid. Mayaman naman pero matipid? Ano kaya ang hindi nito kinatitipiran? Babae? Tumango nga pero ang ekspresyon ng mukha ay hindi mawari kung ano, still stern and dim; nananalim na naman ang mga mata at nang tumalikod na ulit si DJ ay parang tumaas na naman ang isang sulok ng labi nito, pero iba ang ngiti na ‘yon na pinakawalan ng binata—misteryoso, nakakatakot. Tapos, saka ‘yon walang paalam na tumalikod at lumabas. Ang sungit...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD