Book 2 CHAPTER 5

1893 Words
CHAPTER 5 NASA pasilyo pa lang si Yza ay parang aatakihin na s’ya sa puso nang matanawan ang pinto ng kwarto ni Adamson. Sa huli kasi ay mas pinili na lang din niya na umakyat at sumunod sa utos kesa ang magsinungaling. Ngatngat niya ang daliri sa sobrang kaba habang maliliit ang mga hakbang na ginagawa niya papalapit sa silid ng binata. Huminga muna siya nang malalim nang mapatapat na s’ya sa pintuan bago niya tinangka na kumatok doon. Kasalanan ba niya kanina kung akala niya ay umalis na ito palabas ng bansa? Hindi naman pala umalis at may ginagawa lang na kalokohan sa loob ng kwarto nito kasama ang isang babae. Tapos, nakalimutan pang isara ang pinto kaya inakala niya na wala ng tao. Mayroon pa kaya? “Damn you! This isn't enough! I want more of you Adam!” narinig niyang boses ng babae na sumisigaw kaya napakislot pa si Yza. May babae pa. Wala s’yang narinig na sagot kaagad mula sa kausap niyon. Maya-maya ay nagsalita na rin ang amo niya. “But I don't want more of you. Get out. I don't wanna see your face anymore. I paid you more than enough for a lousy performance, so don't try to act as if you own me because I don't even know your name. You bitches are just my bed warmers, easily being bedded and get paid. Out now, woman.” ‘yon ang narinig niyang sagot ng binata. Walang iyong emosyon. Mababa ang tinig pero mariin at may pinalidad. Nakikipagsex sa hindi kakilala? Hesus naman talaga. “f**k you! f**k you!” sigaw pa ng babae at narinig niya ang lagatak ng takong niyon. Nagdadabog ang babae ng ahas. Kaagad s’yang napatakbo dahil baka mamaya ay s’ya naman ang masampal. Ayaw na niya. May sugat pa nga siya sa gilid ng labi tapos maiisahan na naman siya? “Bwisit!” sinabunutan ng babae ang sarili nang makalabas sa kwarto na ‘yon. Anong nangyari? Nakita pa niyang inihampas ng babae ang bag sa pader sa sobrang gigil. Bakit nagalit ay kanina lang ay siyang-siya namang na nakatuwad sa kama, ngayon mainit na ang ulo? Gusto pa raw ng marami sa Señorito Adam niya kasi pero ayaw naman ng isa, kaya yata nag-aalburutong parang bulkan ang babae dahil doon. Wala namang duda na hahabuhin talaga ng babae si Adam, napakapogi at mayaman pa. Sa tingin talaga niya sa binata ay wala sa bokabularyo ang maghabol sa babae o magkagusto nang seryoso. Parang may ibang focus kasi ang utak nito at hindi pag-settle down iyon, sa psychology niya. Nang makabawi s’ya ay lumapit ulit siya sa may pinto ng kwarto ni Adamson. Dalawang katok ang ginawa niya. “What?!” sigaw ng binata sabay bukas ng pintuan kaya parang gusto niyang mapatakbo lalo na nang makita niya ang kasungitan sa berde nitong mga mata. Nagulat kasi siya at tumaas ang mga balikat niya nang sumigaw ito o mas tamang sabihin na tumalsik yata ang kaluluwa niya papuntang porgatoryo. May kasalanan na kasi s’ya, may kasalanan na ang mga mata niya kaya ‘di na s’ya sa langit madidiretso ng punta kundi sa porgatoryo na. Nakakita na kasi s’ya ng malaswa at ng poging ahas, at pwet ng babae na pati guhit ay labas, pati na almuranas. Napakurap si Yza at napayuko. “Yza,” biglang lumambot ang anyo ni Adam at ang boses ay naging mababa rin na parang kinalma. “P-Pinapat-awag niyo r-raw po—” naputol ang sasahihin niya kasi natatakot talaga s’ya. Nakaboxer na naman lang pala ang lalaki at ang ahas ay nakaumbok na naman. Pumikit s’ya nang mariin para makaiwas sa gwapong tanawin na ‘yon. May choice ba s’ya? Kapag tumingala s’ya ay mukha nitong misteryoso ang makikita niya at nag-niningas na mga mata. Dito naman sa baba ay ahas na nakaumbok. Tumingala ka na lang Yza, kesa sa ahas pa. “Don't be afraid. I thought you were that woman. Come.” anyaya nito sabay talikod matapos na itulak ang pinto papabukas. “P-Po? D-Dito na lang po Señorito.” ngumiti pa s’ya nang alanganin at ipinako ang mga paa sa may pintuan talaga. Nungka s’yang papasok. Baka lumabas ang ahas at tuklawin siya ay mamatay pa siya kasi siguradong makamandag kasi malaki nga. Inay! Ang kulit mo Yza! Paulit-ulit ka! She halted for a moment when he looked back at her with his glare. Awtomatiko s’yang humakbang nang isa papasok. Tila nangunot pa ang noo ni Adam dahil sa ginawa niya. He puts his hands on his waist and titls his head while staring at her. “Hindi kita sasaktan. Come in.” anito pa kaya kumilos na s’ya kahit pilit at takot. Kahit paano ay baka maisip naman nito na bata s’ya para saktan nito dahil sa mga katangahan niya. Parang may awa naman sa kanya ang kanyang amo. Sa mesita ay nakita niya ang nagkalasug-lasog niyang cellphone at nahihiya naman s’yang kunin iyon para ayusin. Mamaya na lang yata. “Here's your Lola's salary. And I want you to fix my things in my luggage. I'll be leaving early morning. Won't you get tired doing it? You're still bruised and wounded.” anito at sumulyap sa braso niyang may mga kalmot ng babae kaninang umaga. “H-Hindi naman po.” sagot niya habang magkahawak ang kanyang mga kamay sa harap niya. Nilalamig s’ya ng sobra sa aircon nito habang ito naman ay pinagpapawisan pa rin. Tatanggi pa ba s’ya sa utos ay nakakahiya naman. Ibibigay na nga ang sweldo ng lola niya tapos mag-iinarte pa s’ya? Baka naman asyumera lang s’ya na gagawan s’ya nito ng masama. “Okay.” tumango ito at inilapag ulit ang pera sa mesita saka naglakad papasok sa walk in closet. “Come here, Yza.” anito sa loob. Kagat labing kumilos naman siya at sumilip muna sa nakaawang na pinto. Silip pa Yza, mamaya kung ano na naman ang masilip mo. Nakita niyang nagsusuot ito ng t-shirt na kulay puti at ewan naman kung bakit parang ang pogi na naman nito na sobra sa paningin niya. Lalaking - lalaki kasi ang dating nito na kasisindakan ng kahit na sino. He shows great resemblance of a great warrior who can defy demonic villains. Tindig pa lang, who you na silang lahat. Napalunok s’ya nang lumingon ito sa gawi n’ya habang ibinababa ang laylayan ng t-s**t na suot sa may tiyan. “Get in.” anito nang makita s’yang nakasilip sa pinto. Ngumiti s’ya nang kaunti na parang ikinaningkit ng mga mata nito. It seems like his eyes smiled too. Did he? Ewan. “Here. Just choose what you think is best for my business attire, a casual one and my daily clothes that I should wear. Malamig sa Canada so I think you can choose a nice warm coat for me. And please don't forget my ties, and my shoes and socks.” bilin nito habang nakatitig sa labi niya. Pilit na naman niyang itago ang mga labi kasi parang manghahalik ang hitsura ng amo niya. Mahirap na. Pantas’ya pa! Sige. Binalewala niya ang mga titig nito sa kanya at kinalma ang sarili. Mukhang memoryado naman nito ang mga kailangan, sana ito na lang ang naglagay. Pero ano bang silbi na may katulong nga kung hindi iuutos ang simpleng gawain? Nang tumalikod ito ay sinipat niyang mabuti ang kabinet na ‘yon na naglalaman ng sangkatutak na business suits ni Adam. Lumiko liko ang nguso niya habang nakatingin sa mga iyon para mamili ng pwedeng isuot nito. Choice n’ya raw. Bagets s’ya, ito naman ay may edad na. Baka mamaya ay sigawan siya nito kapag hindi nagustuhan ang taste niya. Tinatanggal niyang pilit sa sabitan ang hanger ng isang light pink na long sleeves pero ‘di niya maabot. “Ay ano ba? Please makisama ka.” bulong niya saka tumingkayad nang husto pata lang maabot ang hanger pero ‘di n’ya kaya talaga hanggang sa may magtanggal n’yon sa sabitan. Napamulat pa s’ya nang ipilig ang ulo habang nakatingala nang makita na si Adam na naman ang nasa tabi niya. Adam gave her the long sleeves after taking a closer look at it. Wala naman itong komento at dinilaan lang ang labi habang ang mga mata ay parang nakangiti. “Di ko po kasi abot. American sizes naman po kasi lahat ng bagay dito.” pati nga po yata ang ahas mo ay ganoon din. Tumango ito nang kaunti. “You can step onto something so you can reach it.” suhestyon nito sa kanya. Ito na rin mismo ang humila ng isang kahoy na silya para apakan niya. Umalis na ulit ito sa tabi niya. Akala nga niya ay lalabas na ito pero naupo ito sa isang silya rin doon at humarap sa kanya at saka dinampot ang isang magasin. Baka binabantayan s’ya kasi baka akala ay may nanakawin s’ya. Hindi niya ito pinansin. Sumampa s’ya sa upuang kahoy at saka pinili isa-isa ang naiisip niyang ipasusuot dito. Nakakuha s’ya ng tatlong long sleeves at saka sinulyapan ang binata na wala naman sa magazine ang atensyon ng mga mata kung hindi nasa kanya. His unknown mysterious gaze made her swallow. Tumaas na naman kasi ng kaunti ang isang sulok ng labi nito. Binawi ni Yza ang paningin. Hindi s’ya tatagal sa ganoon. Para itong may magnet na nakatanim sa mga mata na nakakahipnotismo ng tao, lalo na yata ng babae. At siya naman ngang pagka-ino-inosente ay nakuhang makaramdam ng paghanga rito kahit na sa akto pa na gumagawa ito ng kalokohan. Pungol ka na kasi! May DJ ka na. Si DJ lang! Si DJ! “Who's Dan James, Yza? And why does he call you Alexa?” biglang pumuno ang boses ni Adam sa kabuuan ng silid na ‘yon. “P-Po?” she stammered with that single word. Hindi s’ya lumingon. She just continued what she was doing until she heard him stood up and started walking towards her. Napilitan siyang lumingon pero sa pagkagulat niya ay nasa likod na niya ito, nakahawak ang isang kamay sa pinakatuktok ng nakabukas na pinto ng closet. Bakas sa mukha nito na naghihintay pa rin ito ng sagot niya kaya sumagot na lang din s’ya. “K-Kaibigan ko po si DJ.” simpleng tugon niya. “The truth. Who is he?” ulit pa nito kaya natigilan s’ya. She bit her lower lip. Kahit hindi niya nakikita ay ramdam niya ang tiim ng titig nito sa likuran niya. “Ahm ano po—kababata k-ko po at m-manliligaw.” sagot naman niya saka ipinagpatuloy ang pagtiklop ng mga damit. “Do you like him?” usisa pa nito. Ang chismoso pala nito, ngayon lang n’ya nalaman. Tumango s’ya. “O-Opo. S’ya na po ang magiging boyfriend ko kapag grumaduate po ako.” aniyang sumampa ulit sa stool. Nang sulyapan niya ang binata ay wala itong imik na nakaliko ang bibig at may pagkasalubong ang mga kilay na waring may iniisip ito na walang ibang pwedeng makaalam kundi ito lang. Lumayas ito sa harap niya nang walang imik. Lumabas ito ng walk in closet at iniwan s’yang mag-isa at padabog na isinara ang pinto na halos ikaitlag pa niya. Pero nakahinga s’ya sa wakas. Grabe! Mauubusan s’ya ng hangin sa baga dahil sa mga titig ng senyorito niyang makahimatay ng babae at ubod pala ng chismoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD