Chapter 9 ASTRID “Astrid, bawal mong hawakan si Arsie kasi allergic ka sa balahibo ng aso. You should at least consider my efforts of protecting you and your allergies.” What? Ganun ba ‘yun? Hindi ko alam yun ah. Nagkibit-balikat lang ako at hinawi ko lang siya tsaka ako naglakad palapit kay Arsie. “Oh? Allergic pala ako sa balahibo ng aso. Ganun ba?” Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya. Oh? Hindi ko naman talaga alam na allergic ako sa balahibo ng aso. Kaya pala kapag tuwing humahawak ako ng aso eh nangangati kaagad ako. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” Tanong niya at tiningnan ko siya na para bang natalo siya sa isang malaking pustahan at ganun ka dismayado ang mukha niya. “Narinig ko. Allergic ako sa balahibo ng aso.” Sagot ko at dahan-dahan n

