Chapter 56 ASTRID “Bakit ba palagi mo nalang hinahawakan ang mukha ko?” Tanong ni Troy pero hindi ko lang siya pinansin at hinawakan parin ang mukha niya. “Wala lang..” Tipid kong sagot. We were talking until someone came. Pinapapractice na naman si Troy sa basketball. Tumango lang ako at umalis na sila. Nakatingin lang ako sa kanila nang makita ko si Lucy na hinahabol ni Six. Papunta si Lucy sa akin kaya napatayo kaagad ako at tumingin sa kanya. Kumunot ang noo ko nung makita ko ang mga luha sa mata ni Lucy. Nung nakarating na siya sa harap ko ay isang sampal ang nakuha ko. Napahawak kaagad ako sa pisngi ko at tumingin kay Lucy. Umiiyak parin siya. “W-What was that for?!” Inis kong tanong. “What was that for?! That’s for keeping a secret! Bakit hindi mo sinabi?!” Galit na

