Chapter 54 ASTRID I know I’m the luckiest crazy person alive. Because I have all the swaeeeg. “Kitty, isang subject lang ‘yung classmate tayo. Ayoko! Magpapare-schedule ako!” Hinila ko kaagad si Troy na paalis na para bumalik sa school. Natatawa ako sa kanya. Start of us being second year on our first semester. At tiningnan ko ang subject na kapareho namin. Biology. Natawa nalang ako at niyakap siya para hindi na umalis. “Hayaan mo na. Magsasawa ka talaga sa akin kapag naging classmates tayo the whole semester!” Tumingin siya sa akin at tsaka ngumuso. Ang cute! Pinisil ko ang pisngi ko kaya pinikit niya nalang ang mga mata niya at ininda ang sakit. “Kahit na titigan kita buong taon hindi ako magsasawa sa ‘yo.” “Oh talaga?” Tanong ko at tumingin sa kanya na nakangiti.

