Chapter 50 TROY “Bakit hindi mo itutuloy?!” Tumingin lang ako sa kanya at tumingin sa mga taong nakukumpulan sa kanya at ang tarpaulin niya sa building A. “Magiging harang lang ako.” Tipid kong sabi at namulsa na. “Sayang ‘yung effort mo!” Dagdag niya pa kaya ngumiti nalang ako. “Walang effort na nasasayang kapag para sa taong mahal mo. Kahit na di natuloy.. tsk! Bahala na.” Tumalikod na ako nang mabangga ko si Vonne na may dalang bouquet ng red roses. Tangna ano ‘to? “Ikaw sana ‘yung magbibigay nito sa kanya. Pero nakita kong ang dali mong sumuko. You lost your confidence bro? Too bad, punong-puno pa ako nun.” Tinapik niya ang balikat ko at naglakad palapit kay Astrid. Nakakunot lang ang noo ko habang tinitingnan ko siya. Kung paano niya binigay ang bulaklak sa prinses

