Chapter 44 ASTRID “Oh, ano ka ngayon? Talino mo kasi!” Pinalo ko kaagad si Six. Sinesermonan na naman kasi ako ng taong ‘to. “Tumigil ka na nga! I know it’s my fault.” “Eh kasalanan mo naman talaga. Bawas-bawasan mo kasi ‘yang pagiging matalino mo. Pati tuloy puso mo sinusunod na ang utak ko. Follow your heart naman minsan. Bobo ‘yang puso mo!” Sumimangot pa ako lalo. Kailan ba ako titigilan nito sa pagsesermon? “Pinapalala mo na naman ‘yung problema ko eh!” Inis kong sabi sa kanya. “Six! ‘Wag mo nga awayin ‘yung pusa natin!” Dumating si Lucy na may dalang juice at binigay ito sa akin. Kinirot niya kaagad ang balikat ni Six. Buti nga sa ‘yo. “Aray! What?! I’m just teaching her a lesson. She freakin’ slapped Troy because she was mad at us. Ayan tuloy.” “’Wag mo na kasing

