Chapter 41 ASTRID “Kung nasa akin ang puso mo.. bakit buhay ka pa? Diba dapat patay ka na? Wala ka nang puso eh” “Hay. Hindi talaga tatalab sa ‘yo ang mga banat ko. Halika nga!” Hinila niya ako palapit sa kama ko. Umupo siya at kinandong ako tsaka pinaglaruan ang buhok ko. Para akong bata na pinapatulog ng magulang niya. “Hep! Take off your contacts first.” Tinanggal ko naman ang contact lens ko at umupo nalang sa tabi niya pero pinasandal ako ni Troy sa balikat niya. Unti-unti nang bumabagsak na ang eyelids ko. “Hindi ko sila gagayahin na tatanungin ka lang nang tatanungin kung anong problema. I want you to open up. I don’t want to force you so I’m gonna have to wait. Kahit na palagi nalang kitang hinihintay. Hinihintay na makilala mo ako. Hinihintay na malaman mo ang

