Chapter 31 ASTRID “I’m here too.” “Oo, alam naming nandiyan ka. Diba baby girl? ‘Wag kang kumalas sa yakap ko.” Natawa nalang ako sa pinaggagawa ni Cody kaya tinapik ko na ang balikat niya at kumalas na siya. Lumapit naman kaagad si Troy sa akin at binigyan ako ng panyo. “You shouldn’t be crying, you know? Suot mo ang contact lens mo. Here.” May binigay siyang pouch sa akin. Laman nito ang spare contacts ko. Ngumiti nalang ako at pinunasan ang luha ko. Umiyak pa tuloy ako. Tiningnan ko nalang ang cellphone ko na hawak na Cody. “Tapon mo na ‘yan. Wala namang silbi ‘yan.” ✥✥ Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at dali-daling kinuha si Max sa loob ng closet. Namiss ko ang maalikabok na stuff toy na ‘to. Niyakap ko si Max at humiga sa kama. Malapit na pala ang sports f

