Kahit pa sabihin na maganda ang pakikitungo sa kaniya ng mga magulang ni Denver ay hindi pa rin maiwasan ni Liza na hindi makaramdam ng pagkailang,hindi pa rin siya ganun kakomportable sa sarili kahit magiliw naman ang pakikipag-usap sa kaniya ng ina ni Denver.. Mukha naman mabait ang parents ng kaniyang nobyo,malayong-malayo sa kaniyang iniisip na matapobre at masungit ang makakaharap niyang Mama at Papa nito,at mukhang nagkamali ata ang kaniyang sapantaha sapagkat hindi naman niya kinakakitaan ang mga ito ng hindi magandang pag-uugali.Nakikita niya kung gaano kaclose ang mga ito kay Denver,nakakaaliw pagmasdan kasi para lang magkakaibigan ang tatlo kung magbiruan..napakaswerte ni Denver dahil may masaya itong Pamilya at mapagmahal na mga magulang..hindi katulad niya...kung hindi kaya si

