Lumapit sa kaniya si Denver ng makitang papalapit na sila ni Fia..ginawaran siya nito ng smack na halik sa pisngi,na alam niyang hindi nakaligtas sa mga mata ni Janeth..dahil kahit hindi niya makita alam niyang nakasunod ang mga tingin nito sa kaniya. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga kaibigan ni Denver..sa nakikita kung gaano kasweet ang dalawa. "May nanalo na,uwian na." iyong sigaw ni Roco na may pangangantyaw at parang may pinariringgan na rin siguro..dahil bahagya itong lumingon sa kinaroroonan nina Janeth,parang nais ba na ipabatid na hindi na nito kailangan pa na magpapansin at ipagpilitan ang sarili sa kaibigan dahil nanalo na si Liza sa puso nito. Kaya naman hindi na kinakitaan ng maayos na pagmumukha si Janeth lalo na at nakita nito kung paano ipagmalaki ni Denver sa kara

