Kamuntik ng matalisod si Liza nang may paang humarang sa kaniyang daraanan dahil nakayuko hindi niya napansin ang lalakeng nakasandal sa puno at iniharang ang mga paa..mabuti nalang at maagap din ang mga braso nito at nasalo siya kaya hindi siya tuluyang nasubsob sa damuhan. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"tanong nito. Bigla ang pag-angat niya ng mukha ng mabosesan kung sino ang lalakeng kamuntik pa siyang matalisod dahil hinarang ang isang paa.Bigla ang pag-init ng kaniyang dugo at hindi na napigilan ang kanina'y pinipigilang pagtitimpi. "Sorry !wala naman talaga akong balak na ibulgar sa kanila ang tunay mong pagkatao."wika nitong ipinamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang pocket ng jeans nito at muling sumandal sa puno. Huh!ano naman ang alam nito sa tunay niyang

