Napakunot ng noo si Denver ng pagbukas niya ng pinto sa kaniyang silid ay nadatnan doon ang kaniyang Mama na nakaupo sa kanto ng kaniyang kama..Mukhang hinihintay talaga siya nito dahil wala naman siyang maisip na dahilan kung ano ang gagawin sa kuwarto ng kaniyang ina..tiyak na may kailangan ito kaya naroroon, dahil hindi naman ito papasok nalang sa kaniyang kuwarto ng walang dahilan..masyado ba na importante ang sasabihin nito kaya sinadyan pa siya nito sa kaniyang kuwarto. Ano na naman kaya ang iuutos nito sa kaniya,iyun lang ang maaari nitong maging dahilan sapagkat madalas na siya ang inuutusan. nito kapag may ipapabili ito sa bayan..Ano na naman kaya? "Ma.."aniya na humalik sa pisngi ng ina."Anong ginagawa mo sa kuwarto ko?kanina ka pa ba rito." "Hindi...ang akala ko kasi nandit

