Isang masarap na hapunan ang ipinahanda ng ina ni Fia para kanilang pagsasaluhan..nakakataba ng puso na napakaespesyal naman niya sa pamilyang ito para ipaghanda pa siya..samantalang siya sa bahay nila kung hindi pa siya maghanap sa ref ng pagkain para magluto sa sarili hindi pa siya makakain,at kung wala namang lulutuin magtitiyaga siya sa mga tira-tira ng pagkain, malamanan lang ang kaniyang sikmura..pero ngayon heto oh!sobra sobra ang pagkaing nakahanda,mapapasana-all kana lang talaga!At bago pagsaluhan ang pagkain ay malugod na nagpasalamat ang pamilya sa pagkaing nakahanda. "Thank you Lord,sa biyayang ito na ipinagkaloob Ninyo sa amin,Salamat sa pagkain na aming pagsasaluhan ngayong gabi.Amen"panalangin ni Mrs.Zuniga."Oh!Let's eat" "Oh!Hija,kumain ka lang ng kumain ha!huwag mahihiy

