Dumako ang tingin niya kay Jasper nakita niya ang pagtango nito..Si Jasper pa maaari niyang paniwalaan kesa sa mga kaibigan ni Janet dahil alam niyang kahit ito ang pinakamadaldal at maingay sa klase ay alam niyang hindi ito nagsisinungaling..lalo na at alam niyang kakampi niya ito..So,totoo nga!kahit hindi na magsalita si Roco..kumpirmado na ng kaniyang mga kaklase batay sa ekspresyon ng mga mukha nito na totoo ang sinasabi ni Rona at hindi lamang ito gumagawa ng kuwento.. Pinukol niya ng masamang tingin ang mga kaibigan ni denver bago niya tinalikuran ang mga ito.. Pati ang ngingisi-ngisi naman si Rona na nakaharang sa kaniyang daraanan ay hindi niya pinalampas...narinig na lamang niya ang pag-aray nito ng banggain niya ito ng kaniyang balikat...harang-harang kasi alam na nitong dadaan

