Pasado alas-syete na ng gabi ng makauwi ng Bahay si Liza galing sa school,tinapos pa kasi niya ang project nila ni Fia kanina kaya ginabi na siya ng uwi.. Nadatnan niya ang babae ng kaniyang ama na nakahiga sa sofa habang nanonood ng television,ang sarap naman ng buhay nito,isang prinsesa.Parang walang nakita na dumirediretso lang siya sa loob ng kaniyang kuwarto at nagpalit ng damit pambahay,pagkuwa'y marahan umupo sa kama saka bahagyang isinandal ang likod sa headboard ng kaniyang maliit na kama magpapahinga muna siya ng kaunting oras bago tunguhin ang kusina para magluto ng kanilang hapon dahil Wala namang ibang gagawa kundi siya lamang.Buhay prinsesa kasi ang.kabet ng kaniyang ama,katulad rin ito ng kaniyang ina-inahan walang inatupag sa kapag nasa ahay kundi ang manood buong maghapon

