(Samantha) Dalawang araw ng hindi siya makatulog. Paulit-ulit na lumilitaw sa isip niya ang nangyaring halikan sa pagitan nila ni Zandro. Mukhang pinanindigan nito ang sinabi na hindi siya titigilan. Paano niya sasabihin ito kay Jc? Natigilan siya ng makarinig ng katok. Nag- atubili pa siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi dahil baka mamaya ay si Zandro pala ang nasa labas. Sa huli ay nagdesisyon siya na buksan ang pinto. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi si Zandro ang napagbuksan niya kundi isang malaking kahon. 'Teka, para kanino ang kahon na ito' Ani ng utak niya. Nagtaka siya ng mabasa na para ito sa kanya. Wala naman siyang natandaan na mayro'n siyang inorder online. Sa huli ay nagpasya siyang ipasok ito para buksan. Gano'n na lang ang tili niya ng tumambad sa kanya an

