[Samantha] Tumikhim siya at pasimpleng nagtanong. "Mabuti at nagawa ninyo tumagal rito ng asawa mo sa isla. Hindi niyo ba naisip na umalis rito? I mean, hindi niyo ba naisip na humanap ng ibang amo, o trabaho?" Hindi ba alam ng mag asawa ang lihim ni Zandro? "Isa ako sa mga babaeng niligtas noon ni sir. Sobra ang pasasalamat namin dahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakatakas at magkakaroon ng masayang buhay ngayon. Alam ni Sonny ang pinagdaanan ko. Katulad ko ay nagpapasalamat din siya dahil niligtas ako ni sir. Kung hindi dahil kay sir ay hindi ako makakabalik sa piling ng asawa ko... utang namin ang buhay namin sa kanya. Simula noon ay pinangako namin sa aming sarili na magsisilbi kami sa kanya hanggang sa tumanda kami." Natigil sila sa pag uusap nang magpaalam na si Lour

